Breaking

Saturday, May 4, 2019

May 04, 2019

Grab Philippines Update: Yes to Cancellation at No Show Fee

Photo credits to Summit Express
Simula ng magkaroon ng Grab sa Pilipinas halos lahat na ata ng mga pasaherong pinoy na ayaw ng hussle ay to na ang kanilang pinipiling opsiyon para makarating sa kanikanilang destinasyon.

Ngunit kung minsan mayroon tayong mga pangyayari na hindi natin maiwasan at kailangan natin mas unahin ito kaya nman kung minsan na pipilitan ang mga pasahero na kanselahin ang kanilang bookings.

Kaya naman napagisipan ng Grab Philippines na magpatupad na ng 50 pesos cancellation fee sa mga bookings na ikakansela limang minuto matapos makapagbook ng sasakyan at sa mga pasahero na nagbook pero wala naman sa pick-up points na kanilang nilagay.



Photo credits to Romeo Ranoco / MANILA BULLETIN
Ayon sa Grab Philippines gagawin nila ito para sa isang kampanya ng pagiging responsableng pasahero at driver. Ang balitang ito ay kanila ng inanunsiyo sa publiko at binigyang diin na hindi lang pasahero ang magkakaroon ng penalty kung di maging ang kanilang mga drivers lalo na kung ang rason ng kanilang kanselasyon ay hindi naman makatwiran.

“Grab is mindful that cancellations are frustrating for both the passengers and our drivers. At the same time, we are cognizant of the fact that sometimes, cancellations are necessary during special situations,” Ayon kay Brian Cu President ng Grab Philippines.



Dadag pa ni Cu ang pagkakansela ng booking ay isa sa mga dahlan kung bakit bumababa ang kalidad ng mga transport network vehicle service o mas kilalang TNVS. Nabibilang dito ang mga pasahero na nagkakansela ng booking ng wala namang dahilan at mga driver na nagkakansela dahil sa destinasyon na kanilang pupuntahan.

Photo credits to the owner
Ito ang mga sumusunod na inisyatiba at mga patakaran para hindi magkansela ng booking ang mga pasahero at driver.

Para sa mga drivers:
1. Completion rate – drivers are penalized if they go below the required completion rate. It is computed based on completed bookings, cancellation rates and ignored jobs.
2. Driver Timeout – if a driver excessively ignores or cancels booking requests, they are locked out of the platform for a temporary period of time.
3. Ratings and Complaints Analysis – drivers with passenger complaints and low star ratings are also flagged. Grab gives out warnings, and suspends or eventually bans drivers over repeat offenses.
4. 5-Star Driver Tipping Feature – for drivers who go above and beyond, a new tipping feature allowing passengers to reward the drivers with 5-star rating has been rolled out.



Para sa mga Pasahero:
1. 30 GrabRewards Points – when a driver cancels on a ride, the passenger automatically gets 30 GrabRewards points, which he or she can use to redeem items or vouchers in the GrabRewards catalog.
2. Passenger Timeout – after excessive cancellations, the passenger’s account will temporarily be suspended for 24 hours.
3. Cancellation Fees – P50 fee will apply to passengers who cancel the ride after 5 minutes of getting assigned a driver.
4. No-show Fees – P50 fee will apply if a passenger doesn’t show up at the pick-up point within 5 minutes for GrabCar and 3 minutes for GrabShare upon the driver’s arrival.

Ayon pa sa Grab yung mga cancellation fee na makokolekta galing sa mga pasahero ay mapupunta sa mga drivers upang maging pandadag ito sa kanilang gas at sa effort na kanilang ginugol para lamang makarating sa pick-up point na itinalaga ng pasahero.

Photo credits to owner


Magiging patas din naman ang pagbibigay ng penalty, dahil may mga sitwasyon na ang driver ay hindi naman gumagalaw para pumunta sa pick-up point ng pasahero o kaya ay patungo sa maling destinasyon.

Hindi din mapapatawan ng multa kapag ang driver ay dumating ng lagpas labing limang minuto sa expected time of arrival o kaya naman kapag inilagay ng driver na dumating siya sa pick-up point ngunit wala naman doon yung pasahero.

At kung magkamali man daw ng pagbigay ng multa ang TNC sinisiguro nila na ito ay marerefund naman sa loob ng 48 hours at dapat ito ay naireport din sa kanilang help center.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Manila Bulletin

Wednesday, May 1, 2019

May 01, 2019

Trending: Isang Babae Ipinagdiwang ang Ika-4 na Taong Anibersayo ng Pagpapakasal sa Sarili

Credits to the owner
Apat na taon na ang nakalilipas ng may viral ang isang babae na nagpakasal sa kanyang sarili. Kinilala itong si Sophia Tanner, at muli nanaman siyang gumawa ng ingay sa social media para muling magbigay ng inspirasyon lalong lalo na sa mga taong single.

At sa puntong ito kanya namang ipinagdidiwang ang ika-apat na anibersaryo ng kanyal self-wedding at kasabay nito siya ang nagsulat ng isang libro tungkol sa pamumuhay at pagmamahal sa sarili.



Inihalintulad din niya ang kanyang kasala tulad ng mga karaniwang kasal na nakikita natin, nagsuot siya ng puting damit, may dalang bulaklak at siyempre hindi mawawala ang mga bisita na sumusuporta sa kanya.

Credits to the owner
Sa harap ng kanyang mga saksi, ipinangako niya ang pagmamahal, paggalang at pagsunod sa sarili kaysa sa iba. Na talaga humipo sa mga puso ng mga tao.

“Obviously it was tongue-in-cheek, but when I said my vows promising to love myself, it really was quite powerful and everybody said they had goosebumps,” ayon kay Sophia Tanner



Dagdag pa nito na nainspire daw siyang magpakasal sa sarili matapos siyang makaranas ng mga hindi magagandang pakikipag relasyon at dahil dito napagtanto niya na hindi naman niya kailangan ng ibang tao upang siya ay maging maligaya.

Credits to the owner
Ibinahagi din niya ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng nobyo na nauuwi sa isang hiwalayan at ng muling nangyari daw ito sa kanya sa ikatlong pagkakataon dun na nagsimula ang kanyang agam-agam sa sarili natila may kulang ba sa kanya kung kaya't lagi nalang siyang nasasaktan.

Bigla nalang niyang napagtano isang araw na mahal pala niya ang kanyang sarili at ang kanyang buhay na dapat magpasalamat din siya.



Sinabi rin niya na ang Romantikong pagmamahal ay pinag-uusapan, ngunit walang tunay na nagsasalita tungkol sa pag-ibig sa sarili o pagmamahal sa sarili.

Paliwanag pa niya sa pagiging single hindi mo kailangan magalala dahil mayroon at mayroon ka padin naman malalapitan na tao.

Credits to the owner
Sa ngayon open padin naman daw siya sa pakikipagdate ngunit papasok lang siya muli sa pakikipagrelasyon kung naramdaman niyang ito na nga ang kukumpleto ng kanyang buhay.

Lahat naman tayo ay naghahanap ng Mr and Ms right ngunit hindi naman natin kailangan magmadali dahil mayroon at mayroong darating na tamang tao para sayo.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Virtual Pinoy

Tuesday, April 30, 2019

April 30, 2019

Davao City Nagbigay ng Libreng Pasyal sa Araw ng Palarong Pambansa

Photo credits to the owner
Kada taon inilulunsad ng Department of Education o DepEd ang "Palarong Pambansa" kung saan ang mga kabataan na nagmumula sa iba't-ibang rehiyon ng basang Pilipinas ay nagtutunggali at ipinapakita ang kanilang galing sa napiling isport.

Para sa taong ito ang napiling lugar para pagdausan nito ay sa Davao kung saan sinimulan noong linggo ang seremonyas at kasunod nito ang paganunsiyo na talaga namang ikinatuea ng mga atletang kabataan.



President Rodrigo Roa Duterte delivers his speech during the opening ceremony of the 2019 Palarong Pambansa at the Davao City-UP Sports Complex. Credits to MindaNews

Ayon kay City Tourism Operations Office (CTOO) Chief Gene Rose Tecson ang Davao City ay magbibigay ng libreng tour para sa mga opisyal ng iba't ibang delegasyon. 

Dagdag pa nito hahatiin sa dalawang pangkat ang mga kalahok na opisyal at yung mahahanay sa "tour A" kanilang mabibisita ang San Pedro Square, the Tribal Village at ang people's park.

Sa "tour B" naman masisilayan ang bahay ng ating Pangulo, kanila ding makikita ang Shrine Hills at People's Park, ang libreng tour na ito ay ipagkakaloob hanggang May 3.

President Duterte house in Davao City
Para sa mga Dabawenyo isa nanaman itong magandang oportunidad upang lalo pang mapromote ang kanilang lugar bilang isang tourist destination. 

Samantala ang palarong pambansa ay patuloy na magaganap hanggang at matatapos ng May 5.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Davaocity.gov.ph

Thursday, March 28, 2019

March 28, 2019

TRENDING: Istorya ng isang ina na tinakot ng kanyang anak para mabigyan ng pang-date sa halagang P2,500

Netizen, ibinahagi ang nakakalungkot na istorya ng isang ulirang ina . Imahe mula sa Facebook

Ibinahagi ng isang Facebook user, ang istorya ng isang matandang babae na nakasabay niya sa isang "remittance center" para magpadala ng pera. 

Ayon kay Krish C. Bustos, pinagmamasdan niya ang isang matandang babae na tila hindi alam ang gagawin sa isang "remittance center" at may hawak na pera. Nilapitan niya ito at tinanong kung magpapadala ba ito ng pera. Agad naman sumagot ang matanda at binulong na hindi daw ito marunong magsulat kaya hindi siya makalapit sa mahabang pila. 



Habang nakapila ang dalawa ay nagkwentuhan sila at tinanong ni Krish sa matandang babae, kung para kanino yung ipapadala niya. Sagot naman ni Nanay, para daw ito sa kanyang anak na humihinge sa kanya ng pera para pang-date daw ng kanyang anak at ng kanyang boyfriend. Ang matandang babae pala ay namamasukan na kasambahay at kada buwan ay sumasahod ng P2,500. 

Kaya bilang isang anak, hindi napigilan ni Krish na hindi ibahagi ang kanyang narinig mula sa matanda at ninais na huwag ng ibahagi ang larawan ng anak ng matanda, ngunit may mensahe sa anak ng matanda.

"MAG IPON KA! GUSTO MO PALA NG DATE! MAG TRABAHO KA HABANG NAG AARAL PARA MAY PANG BIGAY KA JAN SA JOWA MO! HINDI NA KASI OBLIGASYON NG PARENTS YUN EI. OBLIGASYON LANG NILA YUN AY ANG PAG ARALIN TAYO."



BASAHIN ANG BUONG POST ni Krish C. Bustos:


"Don't know how to start dis kind of shi*šŸ˜Ŗ nag claim ako ng money sa *******. Then naka pila lang ako halos ang haba na nung pila then yung mata ko hindi ko talaga maiiwasan na di tumingin kay nanay na nakaupo sa gilid may hawak siyang pera iniisip ko talaga mag papadala siya then next n ko sa pila pag katapos ko mag claim nilapitan ko siya kasi mukang kailangan niya ng mag tatanong or mag aapproach sa kanya sabi ko na

Me: Nay papadala po kayo?

Nanay: Oo

Me: Haba na po ng pila oh pila na po kayo 
(Then bumulong siya sakin)

Nanay: Wag kang maingay ha di kasi ako marunong mag sulat.

Me: Ah ganon po ba. Kanino niyo po ba yan ipapadala?

Nanay: Sa anak ko.

(Sinilip ko ang haba talaga ng pila pero kawawa kasi si nanay kung di nya mapapadala sa anak niya)


Me: sige po tulungan ko kayo.

Nanay: Salamat ha. Ikaw ay pag palain.

(Di ko talaga mapigilan mag tanong kasi gaya ng sabi ni nanay di siya marunong mag sulat so tiningnan ko yung ID niya)

Me: Nay ano pong trabaho niyo?

Nanay: Nangangatulong nag aalaga ng bata.

Me: Ah ganon po.

(Then bugnot pawis na ko sa pila. Tapos iniisip ko need talaga ng anak niya ng money kaya mag papadala siya.)

Me: Nag aaral po anak niyo?

Nanay: Oo

Me: Ahh allowance po niya tong 2,500? (2,500 kasi yung ipapadala niya)

Nanay: Hindi pang anniversary daw nila nung boyfriend nya di na daw niya ko tatawagan pag di daw ako gumawa ng paraan para mapadala sa kanya tong pera.


Me: (Tumahimik lang ako kasi nakakabadtrip napa mura na lang ako sa isip)

Nanay: Ano ba yung anniversary?

(Mukang wala talagang alam si nanay ultimo mag basa ganon)

Me: Nay yung anniversary po yun yung kung kailan niya sinagot yung boyfriend niya tas mag didiwang po sila mag papakasaya po sila gamit po tong pera na pinag pawisan niyo.

Nanay: Ganon ba yon.

Me: Ano nay ipapadala pa po ba nyo? Baka kasi mas kailangan niyo to.

Nanay: Oo baka kasi itakwil ako ng anak ko baka di na niya ko tawagan.

Me: Sige po kayo po bahala.

Ayoko kontrahin kasi alam kong wala naman akong rights na mangialam kasi usapan nilang mag nanay iyon.

Sa haba ng kwentuhan namin kami na next, then ayun napadala na namin. Tapos palabas na kmi kung saan kami nag padala. Grabe yung pasasalamat ni nanay sakin habang nag kukwentuhan laging may salamat. Tapos last na sabi niya sakin bago kami mag hiwalay . Salamat ulit ha matutuwa anak ko neto. Then nag paalam na din ako sige po ingat po kayo.

Shout Out po sa may mga girlfriend at boyfriend dyan. Sana kung mag jojowa kayo sana naman yung pang date niyo di niyo na hinihingi sa mga magulang niyo di ganon kadali kumita pera lalo nat' yung estado ng buhay niyo di naman ganon ka asenso. MAG IPON KA! GUSTO MO PALA NG DATE! MAG TRABAHO KA HABANG NAG AARAL PARA MAY PANG BIGAY KA JAN SA JOWA MO! HINDI NA KASI OBLIGASYON NG PARENTS YUN EI. OBLIGASYON LANG NILA YUN AY ANG PAG ARALIN TAYO.šŸ˜Ŗ


PS: Kay Ate girl nakita kita sa facebook pero ayoko naman ichat ka as what I've said I don't have any rights ...Tinanong ko si Nanay kung ikaw ba yun "Oo yan yung anak ko" you looks like social climber.. Nabubuhay ka sa ganyang environment habang yung nanay mo nag kukumahog mag trabaho para sa PANG ANNIVERSARY NIYO NG JOWA MO!!!šŸ˜ Sana ma realized mo yang ginagawa mo ikaw pa talaga mag sasabi na di na siya tatawagan pag di nag padala."

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

Monday, March 18, 2019

March 18, 2019

PANOORIN: 'Banana cake para kay Baby Aki' Ama na nagtitinda ng banana cake, para makalikom ng P1.6-M ang halaga

Sino ba naman magulang ang hindi gagawin ang lahat para sa anak. Imahe mula sa Facebook

Marami ang naantig ang puso nang mag-viral sa social media ang larawan ng isang ama habang nagtitinda ng banana cake na P120 ang bawat isa para makalikom ng pampaopera sa kanyang walong-buwang-gulang na anak na si Aki, na nangangailangan ng liver transplant. Pero ang halaga ng operasyon, P1.6 milyon.




Tunghayan sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ni mang Antonio at kanyang maybahay na gagawin ang lahat at hindi basta isusuko ang buhay ang kanilang anak na mayroong Biliary Atresia.



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: FacebookGMA
March 18, 2019

Is Senator Gordon speaking to VP Robredo? Resign! "If you won't side with President Duterte's principles

Senator Richard Gordon and Vice President Leni Robredo. Image credit to PhilNews.XYZ

Senator Richard Gordon, who earned the fifth highest number of votes with more than 16 million voters during the 2016 senatorial elections urged President Rodrigo Duterte's cabinet members who doesn't agree with the executive chief's ruling to resign from their post.

“Kung ikaw ay cabinet member you have to side with the president kung hindi mo na kaya na mag-side sa pangulo at ng prinsipyo mo, you resign,” Gordon said.

“Yun ang mangyayari kasi you are the President, cabinet kasama kayo, kapag ikaw ay kokontra at hindi na kayo magka-igihan ng president you resign or the president fires you,” he added without naming anybody in particular.




Is Gordon referring to Leni? 

When asked if he was pertaining to Robredo specifically, the senator was rather unresponsive.

Gordon said he have been to politics for so long and he knows how politikos move.

“I’ve been fighting this all my life yung partido natin wala eh, nanalo si Duterte. Ang daming liberal nung araw nung manalo na si Duterte lahat lumipat. ganyan naman na nung araw pa, lipatan nang lipatan.”

Vice President Maria Leonora “Leni ” Robredo. Image credit to Inquirer.net
“Yung panawagan na mag resign that is a call to conscience kung may conscience sila, yun talagang position nila they must follow their conscience but I’m not going to force them because maari sa kanila strategically it is a good alliance for them, di ba.

“Kung talagang hindi nila ma take yun they should resign. Kung mate-take nila they should stay,” he said.

President Rodrigo Duterte and Vice President Leni Robredo. Image credit to PhilStar
Robredo 'incompetent'

Vice President Leni Robredo was remarked by the chief executive as "incompetent" and said Duterte would not step down if she would assume his post.

"Kung siya mag-presidente? (If she will become president?) Look, I will not resign because it will make her president. My resignation is addressed to the people para makapili sila ng gusto nila," Duterte told reporters in Clark, Pampanga.

"Siya (she), I don’t think she can ever be ready to govern a country. Reason? Incompetence. She’s not capable of running a country like this, Philippines," said Duterte of Robredo, a lawyer and former Camarines Sur Representative.

On the other hand, Robredo's legal adviser Barry Guttierez said President Duterte should instead focus on the inflation and the killings instead of calling Robredo 'incompetent'.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source:  Politiko
March 18, 2019

TINGNAN: 28 bagong ruta ng P2P bus, ready to serve!

P2P Bus, inilunsad na. Alamin kung ano-ano ang ruta nito. Imahe mula sa YouTube
Walang sariling sasakyan at araw-araw na kalbaryo ang pagcocommute sa traffic, marami na ngayon pagpipiliang mga sasakyang pampubliko na maaaring subukin upang agad na makarating sa destinasyon. Isa na rito ang Premium Point-to-Point (P2P) Bus Service na inilunsad noong taong 2016 bilang isa sa mga solusyon ng pamahalaan sa problema hinggil sa pagpapabilis ng daloy ng trapiko.


Nitong Marso 12, 2019, binuksan na ang 28 bagong ruta ng P2P Bus Service ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.


Batay sa inilabas na Memorandum Circular 2019-010 ng LTFRB, ang mga bagong ruta ng P2P Buses ay ibibigay sa 16 na prangkisa.

Kung manggagaling sa Angat, Balagtas, Pandi, at Plaridel, Bulacan, maaaring bumaba sa North EDSA sa Quezon City.

Mula naman sa Philippine Arena sa Bulacan, maaaring bumaba sa Clark sa Pampanga, Calumpit sa Bulacan, La Union, at Central sa Quezon City.

Kung magmumula naman sa Calamba, Laguna, ang dulo ng ruta ay maaaring sa Makati City, BGC/Fort Bonifacio, Taguig City, at Lawton sa Maynila.


Kung manggagaling naman sa NAIA/PITX at Clark, Pampanga, tuloy–tuloy ang biyahe hanggang sa Baguio.

Mula sa Batangas City, maaaring tumulak hanggang Alabang, Lawton, at PITX. Sa Lipa, Batangas naman, maaaring makarating sa Alabang, Lawton, Ortigas, at PITX.

Mayroon na ring P2P buses sa Visayas. Mula sa Cebu City, maaaring magtungo hanggang sa Lapu-Lapu City, Danao City, at Sibonga sa Cebu. Sa Iloilo City naman, makararating ito hanggang sa Iloilo International Airport, Caticlan, at Kalibo Airport.

Sa Maynila naman, 15 unit ng buses ang bumibiyahe lalo na sa pagpatak ng rush hours upang makapagbigay ng serbisyo sa mga pasahero. Halos 800 pasahero ang naseserbisyuhan nito tuwing umaga at 600 naman tuwing gabi.

Batay sa naging survey ng DOTC sa mga pasahero ng P2P buses, 20% sa kanila ay malaki ang natipid sa gasolina para sa kanilang mga sariling sasakyan dahil pinili nilang sumakay na lamang sa mga bus na ito.


Sa inilabas na Memorandum Circular 2019-010 ng LTFRB, ang mga bagong P2P routes ay ibibigay sa 16 na prangkisa.

Ang mga bagong ruta ay:
1. Angat, Bulacan – North EDSA, Quezon City
2. Angat, Bulacan – Lawton
3. Balagtas, Bulacan – North EDSA
4. Pandi, Bulacan – North EDSA
5. Plaridel, Bulacan – North EDSA
6. Calamba, Laguna – Makati
7. Calamba, Laguna – BGC/Fort Bonifacio, Taguig City
8. Calamba, Laguna – Lawton
9. NAIA/PITX – Baguio
10. Clark – Baguio
11. Cebu City – Lapu-Lapu City
12. Cebu City – Danao City, Cebu
13. Cebu City – Sibonga, Cebu
14. Iloilo City – Iloilo International Airport
15. Iloilo City – Caticlan
16. Iloilo City – Kalibo Airport
17. Philippine Arena – Clark
18. Philippine Arena – Calumpit, Bulacan
19. Philippine Arena – La Union
20. Philippine Arena – Central in Quezon City
21. Batangas City – Alabang
22. Batangas City – Lawton
24. Batangas City – PITX
25. Lipa, Batangas – Alabang
26. Lipa, Batangas – Lawton
27. Lipa, Batangas – Ortigas
28. Lipa, Batangas – PITX


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: FacebookInquirer