Breaking

Saturday, May 12, 2018

Bentahan ng Boto Para sa SK at Barangay Election Umabot ng P2,500 Ayon sa DILG

Photo credits to FFE Magazine
Sa tuwing magkakaroon ng election sa Pilipinas, hindi nawawala ang isyu tungkol sa pagbili ng boto.


Bakit nga ba bumibili ng boto ang mga kandidato na gustong maupo sa posisyon na kanilang inaasam lalo na pagdating sa barangay elections? Sabi ng iba kasi daw malaki ang pera sa barangay ito ay malamang para sa mga gustong mangurakot sa gobyerno.

Photo credits to Remate
At kumakailan nga lamang ay isiniwalat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for barangay affairs na si Martin Dino na ang presyuhan daw diumano sa pagbili ng boto ay nag-sisimula sa P500 hanggang P2,500.

Ayon pa kay Dino na kung ganito nga kalaki ang bilihan ng boto hindi imposible sa isang kandidato na nanalo na gumawa ng isang katiwalian upang mabawi nito ang kanyang ginastos.



At posible din daw na may mga lokal na politiko ang nagbibigay ng pondo sa mga ito para makabili ng boto, dahil ito ang kanilang magiging daan para naman sa sarili nilang interest na tumakbo sa susunod na halalan.

Photo credits to Philstar
Kaya dapat maging matalino sana ang mga mamamayan sa pagboto ng barangay chairman nila dahil nasa kamay ng taong bayan ang katahimikan at kaayusan ng isang lugar.



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Source: Abante

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

No comments:

Post a Comment