Breaking

Friday, May 4, 2018

COA: P60-million ang ibinayad ng DOT sa PTV-4 programa ng Tulfo Brothers, Tourism Secretary Teo nalalagot

Photo credits to the owner

“It’s more fun in the Philippines” ika nga sapagkat inilabas na ng Commission on Audit (COA) ang resulta ng annual audit nila sa PTV-4, humigit P60-milyon ang ibinayad ni Department of Tourism (DOT) sa ilalim ng panunungkulan ni Secretary Wanda Teo sa programa ng kanyang mga kapatid na Tulfo.


Photo credits to the owner
Ito na nga ang pinakamalaking kontrata ng DOT para mai-advertise ang kampanya ng DOT kumpara sa iba pang lokal at di-lokal na media companies. Ayon sa report ni Teo ,



“We have with ABS-CBN at around P23 million, and GMA included. We also have TV commercials and features. (There are) CNN Philippines at P20 million, CNN International at P51 million and Discovery Channel at P51 million, and BBC at P51 million.”


Labis na maputla kumpara sa binayad niya sa programa ng kanyang mga kapatid na nagkakahalaga P60.01-milyon. Ito’y matapos base sa annual audit ng COA sa iba’t-ibang cheques. Ngunit ang namromroblema ang COA pagkat walang isinulat na kontrata na ibinigay ang Bitag Media Unlimited Inc. (BMI)patungkol sa pagtanggap ng ganito kalaking halaga.


Photo credits to the owner




Photo credits to the owner
Inirason ni Teo na,

“We issued the check when the deliverables were met,. All checks were made in favor of PTV4. No check went to any other production house.”

Kanya ring iniliwanag na walang “conflict of interest” sa mga ads at komersyal ng DOT na ipinalalabas as programa ng mga kapatid niya pagkat ang kanilang deal ay nasa pagitan lang ng DOT at PTV-4. Ang istasyon na nagpagisipang ibigay ang ibinayad na pera ng DOT sa BMI.

“Because the contract was between PTV 4 and DOT, I don’t have a hand if they put it on my brother’s program. So there’s no conflict of interest because at the end of the day, the contract was between PTV 4 and DOT.”




Photo credits to the owner
Denipensa rin ni Teo na sa PTV-4 inilabas ang mga ads ng DOT sapagkat inutusan daw siya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na supportahan ang mga istasyon ng gobyerno tulad nun.

Karagdagang imbestigasyon pa ang kinakailangan ngunit talagang nalilibutan na ng kontrobersiya ang magkakapatid sapagkat pag sila’y napatunayang gumawa ng graft, malalagot talaga si Teo.

Pinagbasehan: Politiko

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

No comments:

Post a Comment