Breaking

Friday, June 8, 2018

Kris Aquino may Mensahe kay Bong Go: “Alam mo I will even campaign for you because I believe in you...”

Kris Aquino may Mensahe kay Bong Go: “Alam mo I will even campaign for you because I believe in you...”/ Image credit to the owners

Nanawagan ang aktres Kris Aquino kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go patungkol sa away nila ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson patungkol sa isyu ng paghalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang babae sa South Korea na dinepensahan at kinumpara ni Asec. Uson sa nabidyohang paghalik ni dating Senador Benigno “Ninoy” Simeon Aquino Jr. sa mga babaeng nasa eroplano.



Sa isang text message ng aktres sa nasabing Presidential Assistant ipinaramdam niya ang pagkakadismaya kay Asec. Uson.

 “Bong, this is Kris Aquino. I am personally reaching out. We have been friends and my heart wants to believe you still have a soft spot for me. I will understand if you snub me because sino naman akopero sinaktan talaga ang puso ko sa ginawa ni Mocha,” sabi ni Aquino.



Image credit to the owners

Dinagdag ng aktres ang kanyang pagIilinaw na nirerespeto niya si Duterte at ayaw niya lang na madawit ang kanyang mga magulang.

Alam mo, never ako nagsalita o nag-post ng anything against PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) dahil marunong ako rumespeto. Sana huwag lang ang mom at dad ko dahil nananahimik na sila sa langit,” dinagdag ng aktres.

Handang mangampanya pa si Aquino para sa nasabing Assistant ni Duterte ngunit kanyang natanong kung bakit gugustuhing tumakbo sa halalan at iwan ni Go ang Pangulo, kanyang isinaad na,

Alam mo I will even campaign for you because I believe in you, but why leave the President? Why leave Malacañang?

Kanya ring binalaan na baka may ahas daw ng kumuha sa upuan ng pagiging Special Assistant to the President ni Go.

Why leave Malacañang? Baka ahas lang ang gustong kunin ang posisyon mo,” kanyang dinagdag.


Image credit to the owner


Sinagot naman ni Go na wala siyang balak na kumandedato sa Eleksyong 2019 para sa Senado.

Please ma’am hindi naman po ako kandidato, so maraming salamat sa tiwala mo at sa paniniwala mo sa amin ni Pangulong Duterte,”sabi ni Go.

Matapos humingi ng tawad sa aktres, kanyang iginiit na wala siyang karapatang pagalitan at parusahan si Asec. Uson ngunit pinayuhan niya itong,

“Kung pwede ay wag na natin palakihin and she agreed naman na mag apologize nalang.”


Image credit to the owner

Ngunit hindi susuko si Mocha Uson sa kanyang layuning ipalaganap ang katotohanan, sinabi niya sa kanyang bidyo sa Facebook live na,

“This is not about Kris Aquino, tungkol ito sa paglalagay malisya sa isang halikItinumbas lang sa gawainng ibang lider tulad ng tatay niya. Ms. Aquino this is not about you.” 

Hindi daw hihingi ng tawad si Asec. Uson para sa katotohanang kanyang isiniwalat.

“With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth,” said Asec. Uson.

Ikinalungkot at ikinadismaya naman ito ni Aquino at kanyang napagpasyahang tularan ito’t hindi rin magpatawad kahit ito’y pinamunuan na’t sinimulan ni Go.












What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.








Daily Pilipinas Source: www.pinoytrend.net

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

No comments:

Post a Comment