Breaking

Sunday, June 17, 2018

Sereno Hindi Nakaligtas sa mga Pasabong na Tanong ni Stephen Sackur

Photo credits to the owner

Iginiit ng BBC HardTalk host Stephen Sackur kay pinatalsik na Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno sa isang interview na ang Punong Mahistrado ng Estados Unidos, maskin magkaiba ang Hukuman ng Pilipinas sa kanila, ay hindi pinapayagang magbitaw ng mga komentong politikal patungkol sa mga mataas na opisyal ng gobyerno.

Dahil dito, nagtataka si Sackur kung bakit pinupulitika ni Sereno ang mga isyu ng martial law at konstitusyon. Ang sagot ng dating Punong Mahistrado, ito’y mga paalala lamang at hindi komento.



Photo screenshot from 

Bukod rito pumalibot ang kanyang panig sa pagpapasapubliko ng kanyang mga hihinain patungkol sa kanyang “hindi konstitusyonal” na pagkakatanggal sa Korte Suprema at ang isyu sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN).



Inakusa rin ni Sereno na inaatake daw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang iba’t-ibang panig ng gobyerno upang pahinain ang demokrasiya ng bansa. Ginamit niya pang dahilan ang pabirong pag-banggit ng Pangulong siya’y nagtatanim ng ebidensya noong siya’y prosekutor pa.

Photo screenshot from Youtube/Eagle Press Agency

Ngunit hindi sang-ayon dito sa Sackur, kanyang pinuna ang pinatalsik na Punong Mahistrado sa pagpapaalala na reminder nga ba ang pag eendoroso niya sa administrasyon ni dating Pangulo Benigno “Noynoy” Simeon Aquino III at ang pag kritiko sa administrasyon ni PRRD at ang kanyang mga taktika sa pamumuno?



Tinanong ni Sackur kung mga pulitikal na reminders ang pagkokomento ni Sereno sa mga operasyong kontra droga at sa mga kinokondena na narco-politician.

Photo screenshot from Youtube/Eagle Press Agency
Ngunit nagmatigas parin si Sereno at iginiit na kayang pinapaalalahanan ang mga point persons na dapat nilang ipanatili ang prosesong panghukuman. Bukod dito karapatan niya rin daw na mag bitaw ng komento pagkat ito’y parte ng kanyang panunungkulan.


Mahahalatang ano man ang itanong ni Sackur, ang sagot ni Sereno’y tila pumapalibot lang sa kanya, isang makasarili’t aroganteng pag tanaw sa sarili. Ito’y posibleng maging isa sa mga rason kung bakit napagdesisyonan ng mga kasama ni Sereno sa Korte Suprema na siya’y patalsikin.

Photo credits to Al Jazeera
Bukod rito, sinabi mismo ni Sackur na tila isang politikal at die-hard na kalaban si Sereno ni Duterte. Ngunit kahit sa kasamaang palad, ganito ang pananaw ng HardTalk host, hindi niya parin pupwedeng talikuran ang hihinain ni Sereno na pinaparating sa konteksto ng respeto, demokrasiya at pagiging boses ng masa sa harap ng malalaking isyu ng gobyerno.


Mabuti man o hindi ang pangkabuohang hihinain ni Sereno, hindi parin natin pupwedeng talikuran ang mga bagay na pinunto ni Sackur. Walang obligasyon ang mga Punong Mahistrado na mamulitika sa pamamagitan ng pagsuporta o pangongontra sa nakaupong Pangulo, ngunit ito’y ipinapamalas ni Sereno. Ito’y maaaring maging dahililan sa pagkakawala ng tiwala ng kanyang mga kasamahan sa kanya at ang kanilang desisyon na ipatalsik siya. Ngunit opinyon lang ito base sa kinahinatnan ng interview ni Sackur kay Sereno.









What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


No comments:

Post a Comment