Breaking

Sunday, July 15, 2018

Erwan Heussaf May Pusong Pinoy, Mas Uunahin ang Bayan Kesa ang Sarili Pangangailangan

Photo credits to the owner


Dahil sa kontrobersyang pumapalibot sa “Buhay Carinderia Refined” na pinamumunuan ng Tourism Promotions Board (TPB) ng Department of Tourism (DOT), nagpaka makabayan si celebrity chef Erwan Heussaff dahil kanyang napagdesisyonang ibalik ang talent fee na kanyang tinanggap.

Ang proyektong ito ng TPB ay kontrobersyal pagkat hindi ito dinaan sa bidding process. Dahil rin sa kontrobersyang ito, bumaba sa pwesto bilang pinuno ng TPB si Cesar Montano at itinigil ang proyekto. Ngunit na i-bayad na ang kabuohang bayad sa mga proponents ng proyekto.



Nauna nang sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ibabalik ni Heussaff ang natanggap na talent fee na mahigit isang milyong piso, ito’y kinumpirma ng celebrity chef.


Photo credits to Raincheck
Ayon rin sa Tourism head, nais nga lang ni Heussaff na makatulong sa ating bayan at sa ating kinakain kaya maliit lang itong bagay para sa naturing chef.

“Kasi gusto lang naman niyang tumulong sa bayan. Baalik na lang daw niya ‘yung pera. Wala naman sa kanya ‘yun. Ang kay Erwan is gusto lang niya i-promote and Pilipinas at ang ating pagkain,” sabi ni Puyat


BIlang patunay ng kanyang katapatan sa bansa, nagawang isakripisyo ni Heussaff ang kanyang sinahod para sa kontratang sementado na. Isang malaking bagay para sa bansa ang ginawa ng celebrity chef, maliit man na bagay ang pera, ang importante rito ay ang kabutihang kanyang ipinakita. Hindi nagpakain sa korupsyon si Heussaff at ginawa niya ang tama, sana nama’y magawa rin ito ng ibang mga politikong nagmamalinis at inuubos ang buwis na mula sa pawis at dugo ng bawat Pilipino.




Photo credits to We The Pvblic
Pinagbasehan: Showbiz Chika, Fashion Pulis

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

No comments:

Post a Comment