Breaking

Saturday, July 14, 2018

Kapag May Jollibee May Bida, Hulicam ang Isang Crew na Nakikipag-Laro sa Askal na Ikinatuwa ng mga Dog Lovers

Photo credits to the owner

Dahil tapos na ang tag tuyo, todo-buhos na ang ulan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Kasama rito ang kalungkutang dinadala ng naninilim nating langit, ngunit maraming natuwa’t natunaw ang puso matapos makita ang isang imahe ng crew member ng Jollibee na nakikipaglaro sa mga asong-lansangan.

Hindi mo inaakalang isang trabahante ng kainan ang makikipaglaro sa mga maduduming hayop pagkat awtomatik na nating iniisip na itinataboy ang mga hayop ng lansangan pag ito’y napapalapit sa kainan. Iilan sa mga dahilan kung bakit ay ang kalinisan at seguridad ng pagkaing hinahain sa mga kustomer.



Sa kanyang Facebook post ipinatunayan ni Joy Ong na may pag asa pa para sa mga hayop na ganito, kanyang kinuwaan, ang kinilala ng mga netizen, ang Jollibee crew member John Avery na naglalaro kasama ang isang askal.

Photo credits to visitpinas.com
Itong nakaktunaw ng pusong tanawin ay nangyari sa harap ng Jollibee na malapit daw sa Bureau of Immigration. Simpleng gesture lang daw ito pero nakakatuwang makita na pinakitaan ng kompasyon at pagmamahal ni Avery ang naturing askal.


Makikita ring masunurin ang aso pagkat nagawang hawakan ni Avery ang ulo nito’t maglaro kasama niya.

Napagpasyahan tuloy ng mga netizens na mabuti sa mga hayop lansangan ang branch nito ng Jollibee pagkat hindi takot ang asong makihalobilo sa mga tao.

Photo credits to Facebook/ Joy Wilgin Ong
Napasaya talaga ng Jollibee ang araw ni Ong, umaasa kaming lahat na mapairal ang kabutihan sa buong bansa.


Marami sanang Pinoy ang sumunod sa simpleng yapak ni Avery pagkat may mga damdamin din ang mga hayop.

Pinagbasehan: Facebook/ Joy Wilgin Ong 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

No comments:

Post a Comment