Breaking

Wednesday, July 18, 2018

Makakasuhan nanaman si Noynoy ng Ombudsman?

Dating Pangulong Noynoy Aquino. Image credit to www.fearlessprediction.blogspot.com
Nako po, ang dating Pangulo Benigno “Noynoy” Simeon Aquino III at kanyang dating Budget Secretary Butch Abad ay kakasuhan nanaman ng Office of the Ombudsman dahil sa Disbursement Acceleration Program (DAP) kung saan sila’y pinaghihinalaan na nag-usurpation of powers.

Tinala kamakailan lamang ng Ombudsman na ang dahilan sa pagsasampa ng kaso laban kay Aquino’t Abad ay dahil sa Artikulo 239 ng Revised Penal Code na prinisenta sa harap ng Sandiganbayan at inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales noong Hunyo 14.

Dahil sa ipinasang motion for reconsideration nina Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate, Bayan secretary general Renato Reyes, Volunteers Against Crime and Corruption founding chairman Dante Jimenez, Mae Paner, Antonio Flores, Gloria Arellano at Bonifacio Carmona Jr., muling ibinukas ang kaso ni Aquino’t Abad ngunit hindi buo ang reconsider ng Ombudsman.

Kulang ang apila pagkat hindi pinahintulutan ng Ombudsman ang pagkaso ng graft at technical malversation.

Ngunit kahit nga ganito ang sitwasyon, hindi parin makakatakas si Aquino’t Abad pagkat nasa kumulang anim na taong pagakakulong ang kanilang matatanggap kung sila’y napatunayang may-sala.

Nakakalungkot lang at si Abad ay makakasuhan parin ng criminal case habang ang kay Aquino’y dismisado na, base sa desisyon ni Morales.



Sentimento ng mga nakasuhan

Tanggap ni Abad ang realidad ng kanyang sitwasyon, maghahamda na siyang depensahan ang sarili pagkat nirerespeto niya ang desisyon ng Ombudsman.

Ang kampo ni Aquino, sa pamamagitan ni dating Presidential Spokesperson Abigail Valte, nama’y nagtataka kung paano umabot sa ganito ang desisyon ng Ombudsman.



"We are yet to receive a copy of the Ombudsman’s decision. We’re quite curious to study how the Office arrived at a reversal of its previous decision finding no liability on the part of Former President Aquino,” sabi ni Valte.

Ang kanila namang partylist, ang Liberal Party (LP), ay nagpasa rin ng hinain, kanilang sinabi na papatunayan ni Noynoy na wala siyang ginawang krimen.

"He will respect the process, as he expects that his reasoning be also given due course," sabi ng LP.

Tapos pinagdiinan ng LP na ang DAP daw ay "crafted with the intention to deliver the services and infrastructure needed by the people and guided by the laws available to the executive." At ito daw ang naging basehan kung bakit sinang-ayunan ito ni Noynoy.

"This is why former President Aquino gave his nod to the program," dinagdag ng LP.

Mukhang tutunghayan pa natin ang mga pangyayari sa loob ng korte, sana’y mabigyan hustisya na ang korupsyong pinairal sa pamamagitan ng DAP at managot ang mga may kasalanan.

Hindi lang ito ang kasong haharapin ni Aquino sa Sandigan bayan pag natuloy. Kanya pang dedepensahan ang sarili sa mga kaso ng graft at usurpation of official function sa Fourth Division. Ito ang kasong kanyang haharapin para sa mga namatay na SAP 44 sa Mamasapano , Maguindanao noong 2015 dahil sa kanyang iresponsableng pamamalakad.
Tulad nga ng sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque Jr.,
“Let justice be done!”








What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.










Daily Pilipinas Sourcce: GMA

No comments:

Post a Comment