Breaking

Saturday, July 14, 2018

Taxi Driver Pinagpaliban ang Pasada Para Magsauli ng Mahigit na 2-milyong Piso!

Photo credits to Facebook/Raffy Tulfo in Action

Malaking saludo po kay tatay Eduardo S. Matusalem na tagamaneho po ng RMC taxi na may plakang UWN 492, pinatunayan niyong mabuti ang mga Pilipino.
     
Nasa Php. 700 lang ang kinita sa gabing kanyang napagpasyahang antaying magbukas ang TV5 Aksyon Center pagkat kanyang nadiskubre ang naiwang bag ng isa sa kanyang mga naging pasahero. Pagturn-over kay Raffy Tulfo ang kanyang unang naisip ngunit sarado ang TV5 noong siya’y pumunta roon. Kaya ito nag camp-out at inantay na magbukas ang stasyon sumunod na araw.



Nakakatuwa lang at hindi naging alinlangan na antayin ni tatay Eduardo ang naturing estasyon. At ni minsa’y hindi niya sinaliksik ang laman ng bag habang ito’y nasa taxi niya.


Photo credits to Youtube/Raffy Tulfo in Action
At nang magbukas ang TV5, una si tatay Eduardo sa mga nakapila para i-turnover ang nawaiwanang bag, hindi man ang Aksyon Center ni Tulfo ang kanyang naabutan, naibalik parin ang bag sa mayari sa pamamagitan ng isa pang programa ng estasyon para sa mga nawala’t nahanap na bagay, ang “Solian ng Bayan”.


Dito sa programang ito nadiskubre ng taxi driver na ang bag na kanyang nahanap ay naglalaman ng nasa 240,000 na Yuan o nasa tinatayang 2,001,766.63 piso! Nakontakt rin ang may-ari na si Junyi Tao, isang Chinese national na naginhawaan at tuwang-tuwang nabalik ang kanyang bag na inakala niya’y naglaho na.

Dahil sa katapatang ipinakita ni tatay Eduardo, ginantimpalaan siya ng Php. 10,000 at inimbitahan pa siya at ng kanyang pamilya na mag ni Tao na mag dinner.


Photo credits to Youtube/Raffy Tulfo in Action
Itong katapatan sa bayan ni tatay Eduardo ay isang bagay na ikinagulat lahat. Sino nga ba ang mag-aakalang mayroon pang taong ganito kabuti?

Saludo po kami sayo tatay Eduardo, ipagpatuloy mong maging mabuting ehemplo sa lahat!



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

No comments:

Post a Comment