Breaking

Tuesday, July 3, 2018

Update sa international relations ng Pilipinas, inisa-isa ng isang mapagkakatiwalaan na media

Philippine President Rodrigo Duterte (center left) at Incheon International Airport in South Korea. Imahe mula sa Business Mirror na website

Dahil sa pagsalubong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas na may bukas na kamay, maraming lider nagawang tanggapin ang alok ng Pangulo para sa ikauunlad ng kanilang mga bansa. Ang ganitong pagiisip ang tiyak na magdadala sa Pilipinas sa mabuting hinaharap, at dahil rin dito, maraming nabalita ang People’s Television Network (PTV) patungkol sa relasyong pang internasyonal ng Pilipinas. Ilan dito ay ang mga sumusunod.


Ang pagbisita ni PRRD sa South Korea

Parating na sa 70-taon ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at ng South Korea pagka 2019. Isa rin sa mga dahilan kung bakit kailangan higpitan ng Pangulo ang ating relasyon sa nasabing bansa ay pagkat sila’y ating tinulungan noong Korean War kung saan tabi-tabi ang mga Koreano’t Pilipinong sundalong lumalaban para sa demokrasya’t kalayaan.

Bumisita si Duterte sa Republika ng Korea noong June 5, 2018, ito ang kauna-unahang pagkakataong may bumisitang lider ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa nasabing bansa.

Dahil sa pagbisistang ito, nakauwi si Pangulong Duterte ng siguradong mamumuhunan sa Pilipinas ng nasa halagang $4.8-bilyon. At dahil sa pamumuhunan ng South Korea, makakagawa ito ng nasa 20,000 – 50,000 na bagong trabaho para sa mga Pilipino!



Parehong tungo sa ikauunlad ng seguridad, ekonomiya, kalakalan at pamumuhunan ang dalawang bansa. Sinabi ni Duterte na,

 “My official visit to Seoul was meaningful and productive. We are now writing a new chapter of cooperation in the shared history between the Philippines and South Korea.”

Inaasahan ding tutulungan ng South Korea ang Pilipinas sa pagpapaunlad sa ating depensa, seguridad at kapulisan.

“We will count on South Korea as a steady partner in modernizing our key assets in defense, security and law enforcement,” dinagdag ng Pangulo.

Ang dalawang bansa ay nasa parehong pahina sa pagiging matapat sa pagtulong sa mga bansang nakapaligid na iunlad ang seguridad, katatagan at ang Rule of Law.

Iginiit din ng Pangulo na tunay na kaibigan ng Pilipinas ang South Korea.

“Indeed the Republic of Korea is a true friend of the Philippines and President Moon, an even closer ally. Our friendship is reaching a new maturity, even closer as deep and abiding friends,” iwinakas ni Duterte.


Update sa sitwasyon sa WPS

Umibabaw ang alegasyon ng mga kritiko ni Duterte na kanyang ipinapapigil ang pagpapatrolya ng Armed Forces of the Philippines sa West Philippine Sea. Ito’y agad na kinontra ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go  sa pagsasabing hindi ito kailanman dumaan sa isip ng Pangulo pagkat dapat lang na ipaglaban ang islang parte ng Pilipinas.

 “Hindi mag oorder si Pangulo ng ganon pagkat... enemphasize ng pangulo na kung anong atin, doon tayo,” sabi ni Bong Go.

Inaasahan din ang pagbisita ng Chinese ambassador sa bansa para mapatibay ang relasyon ng Tsina’t Pilipinas.



Pagbisita ng dalawang Rusyong barko para sa Goodwill nila sa Pilipinas

Nag-Goodwill Visit ang dalawang anti-submarine warships ng Rusya para magsasagawa ng confidence building activities ang Rusya at Philippine Navy na magpapahigpit ng relasyon ng dalawang bansa, partikular sa larangan ng pangkaragatang diplomasiya.

Iginiit ni Captain Domingo Noel Tilos na ang itong Goodwill Visit ay magpapahigpit sa relasyon ng Rusya at Pilipinas.

“This will further enhance and sustain the commotion of peace, stability and maintain operations  through naval diplomacy,” sabi ni Cap. Tilos.

Ibinubukas rin ng mga barkong ito ang kanilang pinto para sa ship board store. Ito’y isang paraan upang mabahagi ang mas maunlad nilang teknolohiya, armas at makina ng kanilang mga barko.

Tungong Japan ang nasabing mga barko ng Rusya makalipas ang limang araw.

Conclusion

IIlan lang itong pangyayaring internasyonal na dinala ng mabuting administrasyon ni Pangulong Duterte na naglalayong ipaunlad ang Pilipinas lahat ng larangan posible. Tanging siya lang ang nagiisang Pangulo na ganito ka taas at bilis maimplementa ang kanyang mga ambisyon para sa bansa. Suportahan natin siya, mabuhay ka PRRD!

















Daily Pilipinas Source: PTV

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

No comments:

Post a Comment