Breaking

Friday, August 3, 2018

MMDA huhulihin na ang mag-Kiki "In my Feelings" Challenge

MMDA huhulihin na ang mga magsasayaw sa gitna ng kalsada sa sumusikat na "in my feelings" challenge. Imahe mula sa Manila Bulletin at YouTube
Isang information campaign ang ginawa ng MMDA para sa mga gumagawa ng ngayon ay sikat na sikat na “In my feelings challenge”. Ang challenge na ito ay ginagawa sa haliw na sikat ng kanta ni Drake, isang canadian rapper. Sa challenge na ito pag pasok ng tugtog ay bababa ang tao mula sa unaandar na sasakyan at sasayaw sa labas ng kalsada habang kinukuhanan ng video ng driver.



Para umano sa kaligtasan ng lahat ay bibigyang multa ng MMDA ang mga nakikiusong gumagawa nito. Nilalabag ng mga driver na karaniwan ding kumukuha ng video ng sumasayaw ang anti Distracted  driving law na may P5,000 sa unang pag labag hanggang P15,000 na multa at tatlong buwan na pag suspinde sa lisensya sa pangatlong pag labag. Ito ay itinuturing din na Reckless driving na may multa na P500 sa unang pag labag hanggang P1000 at pag bawi sa Driver’s license sa pangatlong pag labag.


Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago,

“Kung sa loob ng village po ninyo gagawin o di kaya sa mga parking lot ayon po yung mga lugar na hindi sakop ng MMDA. Pero subukan niyo lang pong gawin sa mga major thoroughfares; EDSA, C5, Commonwealth, Mabuhay lanes papatawan po kayo ng mahigit limang libo na multa. Yung kaligtasan po ninyo yung unahin ninyo bago yung likes and shares sa social media.”


Naglabas umano ang MMDA ng ganitong video dahil sa dumaraming tao ang gumagawa ng challenge. Hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa, mapa artista, sundalo at kung sinu- sino pa.







What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.












Daily Pilipinas Source: GMA

No comments:

Post a Comment