Breaking

Monday, October 29, 2018

DOH Regional Director nag-public apology sa mga biktima ng Dengvaxia: "Unang-una, nahihiya akong humarap sa inyo, kasi may kabulastugan at hindi tamang ginawa ang DOH, sa inyo."

DOH Regional Director Eduardo Janairo: “Malaki talaga ang epekto sa ginawa ng DOH nung panahon ni Secretary Garin. " Imahe mula sa Marinduque Rising at Business World

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isa sa mga taong nasa likod ng Kagawaran ng Kalusugan ang humingi ng patawad sa mga pamilya na nawalan ng anak, magulang, kapatid at kaibigan dahil sa purwisyo idinulot ng pagkakamali ng nakaraang administrasyon. 



Ayon kay Dr. Eduardo C. Janairo, regional director ng DOH Calabarzon, inilarawan niya ang mga epekto ng Dengvaxia at hysteria sa kanilang rehiyon na patuloy na dumadami dahil ang mga magulang at patuloy na humihinge ng tulong sa DOH para maprotektahan ang kanilang mga anak.

Sa naganap na pagtitipon para sa “Mental Health Fair for Dengvaxia Vaccinees” unang beses sa kasaysayan ng Department of Health, may isang taong kasapi ng kagawaran ang nag 'public apology' sa nangyari noong panahon ni dating Health Secretary Janet Garin.



“Unang-una, nahihiya akong humarap sa inyo, kasi may kabulastugan at hindi tamang ginawa ang Department of Health, sa inyo. Alam ninyo yon, isang bagay na hindi dapat mangyari kung pinag-isipang maigi. Kaya ang naghihirap ngayon ay kayo, lalo na ang mga magulang,” ayon kay Janairo. 

“Malaki talaga ang epekto sa ginawa ng DOH nung panahon ni Secretary Garin. Ang gagawin talaga natin ngayon ay bantayan sila, palalakasin ang pangangatawan at kung maari lahat ma-assist lalo na sa mental health services para maibsan ang mga pag-iisip nila na maaaring maglubog sa kanilang kabuhayan.” dagdag niya.

Ayon kay Dr. Janairo, ang Calabarzon Region  ay mayroong halos 172,000 vaccines at halos 45 ang namatay sa bakuna ng Dengvaxia. 



Ang DOH regional office ay mayroon Dengvaxia (DV) pack tulad ng multivitamins, ascorbic acid, oresol, paracetamol, olyset net, quitikill, thermometer, soap, mosquito repellant, urinal at information booklet para maibahagi kaagad sa mga naturukan ng Dengvaxia dahil humihina ang immune system ng mga ito ang kailangan ng sapat na proteksyon. 

Dengue kits, ipinamigay sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia. Imahe mula sa Radyo La Verdad

Bukod sa Dengvaxia pack ay meron din burial assistance ipinagkaloob ang gobyerno sa DOH para masupportahan ang mga naiwan ng mga biktima. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source:  PTV

No comments:

Post a Comment