Breaking

Wednesday, October 31, 2018

Mga empleyado ng LTO sinusupende dahil sa viral video: "Prioritised pala nila yung may mga padulas."

Kuhang-kuha sa video ng isang netizen ang kalakaran sa loob ng opisina ng LTO sa Pasay City. Imahe mula sa Facebook
Hindi na bago sa isang ahensya ng gobyerno ang ganitong kalakaran. Bata pa ata ako e, naririnig ko na meron ganitong kalakaran. At ngayon ako ay matanda na, at kailangan na kumuha ng liscensya sa pagmamaneho, naranasan ko naman ay ang mga 'fixers' na mag-aassist sayo para mapabilis ang pag-aapply ng non-professional liscense sa LTO. 



Heto na nga, dahil sa nagviral na video ng isang Facebook user na si Nhiors Kie noong Oktubre 24, ay iniutos ngayon ng Land Transportation Office (LTO) Chief ang pagbibigay ng 'preventive suspension' sa mga tauhan ng LTO Pasay City Licensing Center na kitang-kita  sa kuhang video ni Kie na kinuha ang iniabot sa kanya ng isang lalake. 

Ayon sa post ni Kie, “Grabe kaya pala di matawag tawag pangalan ko. Knina sa LTO. domestic road. SA arap ng cebu Pacific. Prioritised pala nila yung may mga padulas. #LTO#FIXER”



“We are putting under preventive suspension not only the two (2) personnel in the video but the 6 personnel in the office where the alleged fixing activity occurred,” sabi ni LTO Assistant Secretary Edgar C. Galvante.

Dagdag pa ng LTO Chief, “They will be under preventive suspension until such time that the investigation has been concluded and we have established the truth.”

Hindi lamang ang 2 empleyado ng LTO Pasay ang papatawan ng 'preventive suspension' pati na din anim (6) na empleyado na naka-duty ng araw na iyon. Dahil sa kapusukan ng babaeng nakasuot ng itim na shirt na may logo ng LTO sa likod ay nadamay ang iba niyang kasamahan sa ahensya. 

Ayon kay Galvante, nais din niyang makausap si Kie ang netizen na kumuha ng video sa ahensya para mapatunayan na totoo ang mga allegasyon sa mga empleyado ng LTO. 

“I have already summoned the 6 LTO employees. I would also like to talk to the person who posted the video to ascertain the truth,“ ani ni Galvante. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook/DOTrPHFacebook/Nhiors Kie

No comments:

Post a Comment