Breaking

Monday, October 29, 2018

Netizen, ibinahagi ang kalat na iniwan ng mga miyembro ng isang religious group sa Luneta: "Hindi nagkulang ng paalala ang JIL management sa inyo CLEAN AS YOU GO."

Netizen, nag-jojogging sa Manila Grandstand sa may Luneta, Rizal Park ng may makitang madumi ang parke. Imahe mula sa kanyang Facebook

Noong nakaraang Sabado ay idinaos ng "Jesus Is Lord" ang kanilang ika-40th anniversary sa Quirino Grandstand, Luneta Park Manila. Dinaluhan ito ng halos 100k libong miyembro nito mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa pangunguna ni Bishop Brother Eddie Villanueva na siyang founder at punong ministro sa nasabing religious group ay buong puso silang nagalak at nagpuri sa Panginoon ng gabi na yon.

Imahe mula sa Facebook/ Jesus Is Lord Church Worldwide

Samantala, sa Facebook post ng isang netizen na si Russel Dan Bernardio Quiambao  ay ibinahagi niya ang isang video na kuha mula sa Quirino Grandstand ng kinabukasan ng Linggo.

Ayon kay Quiambao, sana isinalang-alang ng miyembro ng JIL ang mga taong gagamit pa ng parke. Dahil ba meron mga workers ng grupo ang maglilinis o inatasan maglinis ay hindi na pupulutin at hindi magkakalat ang mga miyembro nito.



Bukod tanging paalala ni Quiambao sa mga miyembro at sa mga taong dumalo sa selebrasyon ang paulit-ulit na paalala ng JIL management sa kanila na "Clean as you Go" o "ClayGo".

Inulan daw ng pambabatikos ang netizen, kaya muli niyang kinalaro sa kanyang Facebook post na ang kanyang kuhang video ay pagpapakita ng kalat sa naging selebrasyon ng mga taga-JIL at hindi mismo ang naturang sekta.



Panoorin at Basahin ang kanyang buong post:

"Masarap mag jogging sa dumpsite este Sa National Park pala after gamitin ng Jesus is Lord (Member).

Kawawa ang mga maglilinis jil member man o cleaner. Kaya may event o walang event matuto po tayong magka disiplina wag magkalat. May maglilinis man o wala, wag magkakalat. Tandaan may mga gagamit pa po ng parke.

PS: Linawin na tin sa post ko, nababash ako eh haha! Hindi po yung JESUS IS LORD ang nagkalat sa park dahil ito ay name ng Group,. ang tinutuon po ng post ko ay ang mga myembro na "nagkalat" ok? ihiwalay natin dito yung mga myembro na hindi nagkalat. salute ako sa inyo!



Ang punto ko dito "kalat mo, linis mo." Hindi nagkulang ng paalala ang JIL management sa inyo CLEAN AS YOU GO ang sabi. Alam nyo po ba kung bakit CLEAN AS YOU GO? dahil meron gagamit ng park, mamamasyal na pamilya, magjojogging, magrerelax na mga matatanda, magbibisekleta, etc etc etc. Kaya CLEAN AS YOU GO ay para maabutan ng mga susunod na gagamit ng park na malinis ito after nyo gamitin. Kapag sinunod kase ang sinabi ng JIL Management na CLEAN AS YOU GO, after ng event ay malinis na ito, or mas less at mas mabilis ang paglilinis. May maglilinis man o wala, WAG MAGKALAT. thats my point. Hindi lang po ako ang dismayado sa nangyari, marami. At yung mga nagcocoment na wala din sa katwiran magka iba po kami, ipagpa sa dyos nyo po sila.

Ngayon dito tayo sa punto ng mga basher. "KUYA NAGVIDEO KA DI PA NAGLILINIS" "MAY MAGLILINIS NYAN AFTER TANGA!" "BOBO MO DI PA TAPOS MAGLIGPIT."

Okay kunwari given natin na may maglilinis pala after ng event. Expected na dapat na ganyan kadami ang basura at kalat. Sana nalinis ng maaga, nilinis ng mabilis, para hindi maabutan ng mga susunod na gagamit ng parke ang mga nadatnan namin na kalat. Ngayon ikakatwiran ng basher " EH BOBO KA PALA MALAKING EVENT YAN EH PAANO MALILINIS KAGAD YAN?". Tama di ba? Ngayon balik tayo sa utos ng JIL MANAGEMENT. CLEAN AS YOU GO."




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: : Facebook

No comments:

Post a Comment