Breaking

Saturday, December 29, 2018

Kilalanin ang tinatawag na "Cebuana Santa" ng mga estudyante sa isang Unibersidad sa Cebu

Candice Gotianuy, nag-ala Santa sa mga estudyante ng University of Cebu. Imahe mula sa Facebook
Ang pamimigay ng regalo tuwing sasapit ang araw ng Pasko ay likas na ating mga Pilipino. Ngunit, kakaiba ang ginawa ng isang presidente ng University of Cebu Medical Center dahil sa kanyang ginawang pamimigay ng regalo sa mga estudyante ng Unibersidad.



Bago sumapit ang araw ng Pasko, ay nagpost sa kanyang Facebook si Candice Gotianuy, chancellor ng University of Cebu at tubong Cebuana upang mag-ala Santa Claus sa mga natatanging estudyante na maswerteng matutupad ang kanilang mga kahilingan na ilalagay sa comment box sa post ni Gotianuy.



Kasama ang screening committee ay namili sila ng mga deserving na estudyante na nag-wish hindi lamang para sa sarili, kundi para sa ibang tao na labis na ikinatuwa ni Chancellor Gotianuy.


At makalipas ang anim na araw, sa halos 1,400 wishes na nagsulat ng kanilang hiling sa post ni Gotianuy ay nakapili na sila ng mga deserving na estudyante na tinimbang nila mabuti, depende sa pangangailangan ng mga ito. 


Bukod sa pamamahagi ng pagkain sa 200 street children ay ibinigay niya ang hiling ng isang estudyante na si Crestina Mae Abalorio Abendano na graduating, at nais niyang magkaroon ng 50% discount sa tuition fee para matustusan ang gastos. 




Ang ilan naman sa mga wishes na tinugon ni Gotianuy, ay kahilingan hindi para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang pamilya.











Tinupad din ni Gotianuy ang hiling ni Melvin Monton na mapauwi ang kanyang ama na nagtatrabaho sa abroad para makapiling nila ngayong Pasko.


Ganun din ang isang estudyante na binilhan niya ng motor, para makatulong sa hanapbuhay ng kanyang ama.



Marami ang tunay na napasaya ni Chancellor Gotianuy sa ginawa niyang pamimigay ng regalo sa kanyang mga estudyante, kaya naman napuno ng pasasalamat ang kanyang Facebook mula sa mga nabigyan ng regalo. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook


No comments:

Post a Comment