Breaking

Friday, December 28, 2018

Mystica, nag withdraw ng Php100,000 sa bank account at hinamon si Canadian boy na unang humamon sa ama ni Joaquin Montes

Mystica, hinamon ang ama na taga Canada na una ng humamon sa ama ni Joaquin Montes. Imahe mula sa Facebook

Viral nanaman sa social media ang video ni Mystica, matapos na maghamon siya sa Canadian boy na unang nagviral ang video na humahamon sa ama ni Joaquin Montes, and estudyanteng na-dismiss ng Ateneo University dahil sa pambu-bully at pananakit sa kapwa estudyante sa banyo ng eskwelahan. 



Ayon kay Mystica, hindi siya nagyayabang at nagpatotoo na meron siyang Php100,000 na humahamon sa mga gustong pakipag-suntukan sa ama ni Joaquin Montes lalo na si Canadian boy na nagsabi sa nag-viral video na isa siyang black belter at martial arts professional na sila ang magtuos ng ama ni Joaquin Montes dahil isa siyang ama na nakiki-simpatya sa bata na sinaktan ni Joaquin. 

Galit na galit si Mystica sa Canadian guy na humahamon na magbibigay ng Php100,000 sa ama ni Joaquin Montes kung sakaling matatalo niya ito ng suntukan sa harap ng kanilang mga anak. At kailangan mag-sorry ang ama ni Joaquin Montes kapag natalo siya ng Canadian guy. 



Kumalat ang nasabing video ng Canadian guy na may malaking braso at sinasabing siya ay Martial Arts professional sa social media, kaya nag-post si Mystica sa kanyang Facebook ng video na humahamon sa ama na taga-Canada at sinasabing magbibigay ng pera kapag nanalo ito. 

Kinampihan naman ni Mystica, ang sinasabing nambully na bata dahil sa diumano naging karanasan niya noong bata pa siya na nabully din daw siya dahil sa pagtatanggol sa kanyang yumao na ama. Kaya nararamdaman niya na ginawa lang ni Joaquin Montes ang pambubully dahil sa mga bansag sa bata na "bansot".


Bukod naman sa Canadian boy, ay hinamon din ni Mystica si Raffy at Ben Tulfo dahil sa mga masasakita na salita na ibinato nila kay Joaquin Montes. Galit na galit din si Mystica kay Raffy Tulfo dahil sa sinabing kailangan na daw magpa-test si Mystica sa utak at huwag daw manila dito. 

Tumagal ang video ni Mystica ng 16-minuto na mapapanood niyo dito:




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment