Breaking

Friday, December 28, 2018

Nag-iisang pasahero sa eroplano? Philippine Airlines umani ng papuri, matapos lumipad sakay ang isang pasahero

Netizen ibinahagi ang kanyang karanasan sa PAL na nag-iisang bumiyahe. Imahe mula sa Facebook ni Louisa Erispe
Possible nga ba na bumiyahe ang isang commercial flight na ang sakay ay iisang pasahero lamang?

Sa post ng isang netizen na si Louisa Erispe, ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa Philippine Airlines, kung paano siya nakarating sa kanyang destinasyon ng nag-iisa lamang. Kasama ang mga crew ng eroplano, ipinost niya ang kanyang larawan at ang kanyang karanasan dahil nag-iisa lang siyang pasahero ng eroplano. 



Ayon kay Erispe, kinakabahan siya noong oras na iyon dahil ni-isang pasahero at wala siyang nakikita sa loob ng eroplano. Siya ay byaheng Davao noong ika-24 ng Disyembre at hindi niya akalain na kahit mag-isa lang siya ay bumyahe pa din ang eroplano ng Philippine Airlines sa pangunguna ni Capt. Khalil Faustino. Lubos ang pasasalamat ni Erispe at naihatid siya ng matiwasay sa kanyang destinasyon at naging magandang alaala ito sa kanyang pagsakay ng eroplano. 


Imahe mula sa Facebook ni Louisa Erispe

Imahe mula sa Facebook ni Louisa Erispe

Imahe mula sa Facebook ni Louisa Erispe
Basahin ang kanyang buong post sa Facebook:

"Hindi ko alam kung anong ibig sabihin or kung ano dapat kong isipin.

But ill be flying alone tonight sa plane. No other passenger, ako lang. Hehe 
Kinakabahan ako, hahaha. Ikaw na po bahala Ama šŸ˜Š

Update: nakalipad po ako ng maayos and nakapagpalipat lipat ako ng upuan.



KUDOS TO Philippine Airlines NA NILIPAD PARIN AKO. THE BEST AIRLINE SO FAR. šŸ¤—✔šŸ˜šŸ‡µšŸ‡­šŸ‡µšŸ‡­šŸ‡µšŸ‡­

Update 2: Thank you po Capt. Khalil Faustino and the rest of the crew for the safe and remarkable trip. God Bless po šŸ˜Š"



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment