Breaking

Friday, December 28, 2018

Problema sa traffic pa-Cavite? DOTr Sec. Tugade, target ang passenger ferry para sa mga taga South

Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, pinangunahan ang pag-inspeksyon sa mga ferry mula Maynila-Cavite.Image combined credit to Pinoy Adventurista and ABS-CBN
Problema sa trapiko? Hindi na bago yan. Lalo na kung manggaling ka sa Cavite papuntang Maynila. Bukod sa tayuan ang bus at nagpupuno ng pasahero, kain oras pati ang trapiko pa-Maynila. 

Kaya naman, naisip na solusyon ni Sec. Arthur Tugade ang paglulunsad ng ferry para sa mga taga-South. Pinangunahan ni Tugado ang pag-testing sa ferry na gagamitin sa byaheng mula Pasay City hanggang Tanza, Cavite. 



Mula SM Mall of Asia nakarating ang team sa Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite sa loob lamang ng 50-minuto.

"Diba ang gusto ng pangulo ay comfortable life for all? Ito ginagawa natin para mabigay yan sa mga Pilipino. Hindi lang isang solusyon ang tinitingnan natin. Basket of solutions dapat. Lahat ng solusyong iyan ay pagbubuklurin natin,” ani Sec. Tugade.

Kung sa kalsada nga naman dadaan ay aabutin ka ng traffic dahil sa dami ng sasakyan, kaya sa pagsisikap ni sec. Tugade ay mabibigyan solusyon at option ang mga commuters para maginhawahan ang kanilang pag-byahe. 




Isa nanaman proyekto ng tao ni Pangulong Duterte. Sana ganito ang mga ibinabalita, hindi yung tataas nanaman ang krudo pati presyo ng gulay at prutas at mga bilihin sa palengke. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Daily Pilipinas Source: Radyo Inquirer


No comments:

Post a Comment