Breaking

Sunday, January 27, 2019

Abugado na Rock Star, ipinaliwanag bakit kailangan ibaba ang 'criminal liability' sa mga menor de edad

Imahe mula sa Facebook

Naging malaking issue nitong mga nagdaan na araw ang pagpasa ng isang batas sa house of representative na kung saan, ibababa sa edad na 9 na taon gulang ang criminal liability. 

Ang House Bill 8858 ay iminungkahi na babaan ang edad ng criminal liability sa edad na 9 na taon gulang. Ngunit nagpasya ang mga mambabatas na itaas ito hanggang 12 taong gulang kasunod ng malakas na pagtutol mula sa mga mambabatas ng oposisyon at iba pang mga grupo ng karapatan ng mga bata.



Bilang tugon sa mga hindi sang-ayon sa batas na ito, nagpasya ang mga mambabatas na baguhin ang "criminal responsibility" sa panukalang-batas at ipalit ang  "social responsibility." Subalit hindi nila tinukoy ang "social responsibility" o hindi naiiba mula sa kriminal na pananagutan.

Ang layunin ng panukalang batas, samakatuwid, ay nananatiling pareho: Kapag ang isang batang 12 hanggang 18 taong gulang ay gumawa ng isang malubhang krimen, siya ay ipapadala sa Intensive Juvenile Intervention and Support Center sa loob ng pinakamalapit na pasilidad ng kabataan ng pag-aalaga, na tinatawag ding Bahay Pag-Asa.



Imahe mula sa Facebook
Kaya naman, may isang abugado na miyembro ng bandang Hey Moonshine ang nagbahagi sa Facebook ng kanyang karanasan sa isang kaso na kanyang nahawakan. Ayon kay Carlo Ybanez, hindi niya na papangalan ang kanyang naging kliyente dahil isa tong napaka-sensitibo na kaso na kung saan isang menor de edad ang biktima ng rape ng tatlong lalake na 14 taon gulang. 



Dahil sa walang batas na nagpapataw sa mga menor de edad na gumawa ng krimen, walang nangyari sa kaso.

Kaya naman, malaki ang maitutulong ng magiging batas na pagbaba ng criminial liability sa edad  na 12 taon gulang para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan sa mga paslit na nakagawa ng kasalanan sa batas. 



Basahin ang buong post ni Carlo Ybanez dito:

"One of the reasons I am totally for the lowering of the age of criminal liability is becuase I’ve seen the flaws of the old law in my legal practice. I’ve handled a lot of cases where kids over 9 and below 15 have escaped liability. Pero there is one case that we handled that’s above it all.

I didn’t want to narrate this case because, I feared that I may be violating lawyer-client priviledge. And I might get a violent reaction from the parents. Pero, I will not name names and I will be as vague as possible.

Eto po ang kwento. Totoong kaso na hinawakan ko.

Matagal na itong kasong ito. Bagong bago pa lang ang batas na nagtataas ng criminal liability age to 15. So, nung nangyari ito. Totally exempt na from criminal liability ang below 15 years old.

Rape case ito. At hindi lang rape. Gang rape. Tatlong batang lalaki (14 years old), nirape ang classmate nila (14 years old din).

Sa madaling salita. Abswelto sa kriminal liability ang mga batang lalaki.

Isipin ninyo ano ang nararamdaman nuong batang babae. Gano kahirap kaya bago niya naikwento sa magulang niya ang dinanas niya? Iniisip niya na matutulungan siya ng magulang niya at ng batas.

Pero noong pumunta ang mga magulang sa mga abugado, ano ang sanabi sa kanila ng abugado, “sorry po. Wala kaming magagawa”.

Bilang magulang. Ano ang sasabihin mo sa anak mo kung nangyari ito. “Sorry anak, wala tayong magagawa”.

Tapos titingin siya sa kabila, makikita niya yung tatlong batang lalaki na nakangiti at iniisip na, “ni-rape ka namin at wala kang magagawa”.

Ano na kaya ang naramdaman ng batang na-rape at walang makuhang hustisya?

Tignan natin ang side ng mga batang lalaki. Dahil hindi sila criminally liable, tingin nyo ba pinagsisisihan nila ginawa nila? Tingin niyo ba magbabago sila?

Or hindi kaya, lumala pa ang pagka kriminal nila at madala nila ito hanggat katandaan?

Nasan na kaya sila ngayon?

Actual na kaso ito. Isang patunay na hindi lahat ng bata inosente. Ang sinsasabi ko ay simple. Protektahan natin ang mga batang inosente. Pero biyan ng criminal liability ang mga batang kriminal."

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment