Breaking

Wednesday, January 9, 2019

Apologetic mom of "Ateneo Bully" explains sons actions

Imahe mula sa GMA
Sa isang panayam ni Arnold Clavio ng "24 Oras", nagkaroon ng pagkakataon na huminge ng paumanhin ang ina ng tinaguriang "Ateneo bully" na nag-viral sa isang video sa Facebook noong Disyembre ng nakaraan taon. 

Ayon sa ina ng Ateneo junior highschool student na binansagan "Ateneo bully", ay humihinge siya ng paumanhin sa nasaktan ng kanyang anak, ganun din sa paaralan. 



"I would like to apologize for the action of my son. Sa nasaktan niya, sa school na na-drag man ang school sa isyu na 'to," aniya niya. 

"I apologize pero gusto ko ring hingin yung understanding ng tao na bata itong anak ko eh," 

Dagdag pa ng ina ng bata, dapat suriin din mabuti ng pamunuan ng paaralan both sides, hindi lamang ang napanood sa video. Minungkahi niya na muling pag-aralan ang kaso ng kanyang anak, para hindi masira ang reputasyon at credibilidad ng paaaralan sa mga policy nito.



Ayon naman sa batang diumano ay nambully ng kapwa estudyante sa banyo ng paaralan, ipinagtatanggol niya lang daw ang kanyang sarili dahil sa video na nakita ay kitang-kita na siya ang humamon sa kapwa estudyante. 

“I was just defending myself. Hindi naman ako nam-bully for no reason,” aniya niya.

"Para sa akin, hindi naman bullying 'yung ginawa ko because I was also defending myself naman eh, in a way. Kaso nga lang in the video, mukhang ako talaga 'yung mas aggressive,” 



Ng tanungin ni Clavio kung pinagsisihan niya ba ang kanyang ginawa, ayon sa bata na binansagan "bully ng Ateneo", hindi lang daw dapat siya ganun nag-react sa hamon ng kaklase. 

“Hindi dapat ako nag-react ng ganu'n ka-violent.”

“Nilalabas ko lang 'yung inis ko sa kanya kasi tapos na nga 'yung problema tapos hinamon mo pa ako nu'ng suntukan nu'ng last subject.”



Witness ng "Ateneo Bully" nagsalita rin

Sa panayam muli ng Arnold Clavio, ay nagkaroon siya ng pagkakataon makausap ang isang Grade 9 student na nakasaksi ng buong pangyayari sa banyo ng maganap ang viral video ng batang nambully at kapwaa estudyante na na-bully. 

Ayon sa kanya, ipinagtanggol lang ng batang nam-bully ang kanyang sarili dahil hinamon lang diumano siya ng kapwa estudyante na nakita sa video na duguan ang ilong. 

Masyado lang daw, nabigyan ng diin sa video ang ginawa ng tinaguriang bully ng Ateneo. 

“I was there and I saw it with my own eyes, he randomly bumped into him, asked 'What's your problem? As a result, he was pushed with quite consideratble force. He said, gusto mo ba ng sapakan? He was really provoked,” aniya ng Grade 9 witness.

"Obviously may mga pagkakamali ka na nagawa. You did a fair share of mistakes. You were quite aggresive there in the bathroom jump... but he is not an evil...I hope that 'yung talagang nangyari will surface.” 

"I don't think Ateneo did it because that's the right thing to do. I think they did it because they fell under the pressure of public ye and they were too afraid of their reputation and being destroyed because they're keeping a bully, quote-unquote bully in campus.” 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: GMAGMA

No comments:

Post a Comment