Breaking

Sunday, January 27, 2019

Aristocrat sa Roxas Boulevard, ipinasara ng DENR sa paglabag sa environmental laws

Imahe mula sa CNN Philippines

Ngayon araw ng Linggo, ay ang unang araw ng pag-rehabilitate ng Manila Bay kaya naman agad na ipinasara ng Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) ang tatlong establishimento along Roxas Boulevard, dahil sa paglalabas ng "wastewater" nito diretso sa Manila Bay. 

Ang mga naipasarang restaurant ay ang Aristocrat Restaurant, Gloria Maris Shark's Fin Restaurant sa may Cultural Center of the Philippines Complex, at  San Miguel by the Bay sa may Esplanade. 



Ayon naman sa DENR, hindi sila pinipigilan na mag-operate at walang deadline na ibinigay sa kanila para ayusin ang kanilang nailang paglabag sa maayos na waste water disposal. 

Sina Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu at Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang nanguna sa pagpapasara sa mga establishemento na nakitaan ng paglabag. 



Una ng naipasara ang Manila Zoo, na pansamantalang isinara dahil sa mga nakabinbin na pag-sasaayos din ng linya ng kanila tubig para sa rehabilitasyon ng Manila Bay. 

Ayon kay LLDA General Manager Jaime Medina, kapag hindi naiayos ng mga may-ari ng restaurant ang kanilang wastong daluyan ng tubig ay mawawalan ng silbi ang kanilang mayor's permit at environmental certificate. 



"This is a battle that will be won not with force or arms but with the firm resolve to bring Manila Bay back to life...  With the commitment and determination of every Filipino to do his share in this rehabilitation effort, we have already won the battle for Manila Bay." ayon kay DENR Sec. Cimatu. 



Noong nakaraang Enero 9, nagbabala si Pangulong Duterte na ipasasara niya ang mga establisyemento  na hindi sumunod sa wastong pagtataon ng "waste water" na nakaka-pollute sa Manila Bay. 

Ang "The Battle of Manila Bay" ay binigyan ng budget ng gobyerno ng ₱47 billion para muling ibalik ang ganda ng Manila Bay o ang tinatawag nila DENR Sec. Cimatu na restore it to its "former glory."




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: CNN Philippines

No comments:

Post a Comment