Breaking

Tuesday, January 29, 2019

Aristocrat sa Roxas Boulevard na pag-mamayari ng pamilya ng misis ni Bam Aquino, tuloy ang operasyon

Imahe mula Inquirer at Wikimapia

Noong Linggo, ay sinimulan na ang "clean up" ng Manila Bay, na binudgetan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P47-billion para sa rehabilitation program nito.

Ayon sa mga nakaraang balita, nauna ng ipasara ng DENR ang Manila Zoo dahil sa sanitation ng daluyan ng tubig ng zoo, sumunod ang mga restaurant na malapit sa Manila Bay kagaya ng Gloria Maris Shark's Fin Restaurant na malapit sa Cultural Center of the Philippines Complex, San Miguel by the Bay sa Esplanade at ang kilalang dekadang Aristocrat restaurant na kauna-unahang branch ay nakatayo sa Roxas Boulevard.



Ang Aristocrat Restaurant sa Roxas Boulevard ay binigyan ng cease and desist order noong Enero 27 ng Department of Environment at Natural Resources sa pamamagitan ng Laguna Lake Development Authority. Binigyan sila ng order ng DENR dahil sa paglabag ng restaurant ng "The Philippine Clean Water Act of 2004".

Ngunit, kahit na na pinutulan ng tubig ang Aristocrat ay hindi pa din sila pinipigilan na mag-operate ayon sa DENR.



Ayon sa general manager ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na si Jaime Medina, inaasahan na maitama ng Aristocrat ang kanilang mga violations at kapag hindi ay mawawala ang kanilang mayor's permit at environmental compliance certificate.



Sa Facebook post naman ng isang netizen, ay sinasabi niya na kaya diumano hindi maipasara ang Aristocrat restaurant kahit na ginawa diumano nito na malaking septic tank ng ang Manila Bay ay sa kadahilanan ang pamilya ng asawa ni Bam Aquino na si Timi Gomez-Aquino ang nagmamay-ari ng Aristocrat. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment