Breaking

Tuesday, January 15, 2019

CONFIRMED: Chavit Singson, ang bagong franchise holder ng Miss Universe PH

Businessman/Politician Chavit Singson ang bagong franchise holder ng Miss Universe Philippines. Imahe mula sa Pageanthology 101

Araneta out, Singson in! Yan ang kinumpirma ng politician/businessman na si former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na siya ang may hawak ng franchise ng Miss Universe Philippines.

"True, the franchise is already with me, but it has not yet been announced.

"I think it shall be formally announced this January or February, when Catriona comes back again to the Philippines.



"Binibining Pilipinas Universe will be replaced with Miss Universe Philippines. Noon pa ibinibigay sa akin 'yan because I’ve been helping them since 2016." ani ni Singson. 

Kung matatandaan ay nagkaroon ng pagkakataon na ma-ambush interview sa Novotel noong January 3, 2019 si Mrs. Stella Marquez Araneta ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. sa send-off presscon para kay Bb. Pilipinas-Intercontinental Karen Gallman at pinabulaan niya ang balitang LCS Group of Companies ni Singson ang may hawak ng franchise ng  Miss Universe Philippines.

Ani ni Araneta, "It’s still with us. If some people say something else, let them talk about it." sagot ni  Mrs. Araneta tungkol sa Miss Universe Philippines franchise controversy.

Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay kinumpira ni Singson na siya na ang franchise holder ng Miss Universe Philippines na ipinagkatiwala sa kanya ng Miss Universe Organization.

Si Singson ang co-producer ng 65th Miss Universe na ginanap dito sa Pilipinas noong January 2017 at kaya nagbigay siya ng non-refundable deposit na US$1 million na ikinagulat at ikinabilib ng Miss Universe Organization.

Kaya diumano nasabi ng dating Miss International na si Mrs. Araneta na sa sila pa din ang franchise holder ng Miss Universe Philippines dahil hindi pa naglalabas ng official announcement si Singson. 

Sa 68th Miss Universe na kumpirmadong gaganapin sa South Korea sa Disyembre, ay titiyakin ni Singson na walang malaking sports event kasabay ang Miss Universe at malaki ang paghahandang kanilang gagawin para sa search for Miss Universe Philippines 2019.


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PEP.ph


No comments:

Post a Comment