Breaking

Sunday, January 13, 2019

Dahil sa parinigan sa social media, 2 babae nagsabunutan

Dalawang menor de edad na babae, nagsabunutan sa kalsada dahil sa parinigan sa social media. Imahe mula sa ABS-CBN

Sa  panayam kay alyas "Anabel" isa sa nakipagsabunutan, nagtamo siya ng ilang galos sa mukha at batok matapos sugurin ni alyas "Mercy."

Nag-ugat diumano ang gulo sa isang social media post kung saan tinawag ni Mercy na "malandi at hindi dapat tularan" sina Anabel at kaniyang mga kaibigan. 



Halos mahiga na sa kalsada ang dalawang babae dahil sa lakas ng kanilang sabunutan, na pinapanood lamang ng mga kabataan at matatanda sa  Barangay San Roque, Zamboanga City noong Huwebes ng hapon.

Ni wala man lang daw umawat sa dalawa mula sa mga nanonood at noong dumating na lang ang mga kaanak magkabilang panig ay saka humupa ang sabunutan ngunit maya-maya pa ang mga kaibigan at kaanak naman ng dalawa ang nagkainitan.

Lumaki raw ang gulo dahil sa nakialam na rin ang ilang kaanak at katropa ng dalawang panig.



Ayon kay Chief Inspector Arlan Delumpines, hepe ng Zamboanga police station 7, ipinatawag niya ang mga sangkot sa gulo pati ang kanilang mga magulang at matatandang mga nakakita ay bibigyan sila ng certificate to file actions dahil hinayaan lang nila mag-away ang dalawang menor de edad. 

"Depende na rin 'yan sa barangay kung mag-issue sila ng certificate to file action against sa mga of legal age na nandoon sa area na hinayaan lang mag-away itong dalawang menor de edad." 




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment