Breaking

Friday, January 11, 2019

Dahil walang honest! MPD 'honesty store', isinara na

"Honesty Store" sa loob ng MPD, tuluyan na isinara. Imahe mula sa Philippines Star

Makalipas ang 6-na buwan, tuluyan na isinara ng Manila Police District (MPD) ang kanilang binuksan na “honesty store” noong nakaraan taon sa kadahilanan na wala daw kinikita ang nasabing tindahan, dahil diumano walang 'honest buyers'.

Ayon sa MPD Finest Brotherhood Cooperative general manager na si Ester Tan, napilitan sila na ipasara ng tuluyan ang tindahan dahil hindi nadadagdagan ang paninda dahil walang kinikita. 



“We have decided to close the store because it is not picking up. On the contrary, we are losing money and it is not a good idea to continue when nothing is happening positively.” 

Ayon pa sa kanya, hindi possible na magkaroon ng 'honest store' dito sa Maynila, except sa 'honesty store' sa Batanes na kung saan doon una nagsimula ang pagkakaroon ng ganitong klaseng tindahan. 



Sinabi ni Tan na nawawalan sila ng P500 to P1,000 a month o may kabuuan na humigit P20,000, kasama ang humigit na P15,000 na nawala sa kanila sa pagnanakaw na nangyari noong nakaraan taon. 

“We wanted to replenish the store but it was an exercise in futility considering that it was not really doing any good.”



Empleyado ng MPD, nahuli nagnanakaw sa 'honesty store'

Nang magbukas ang tindahan sa publiko noong nakaraan taon, ay agad napabalita na meron nangunguha ng pera sa lagayan nito. Kinilala si Liza, isang female aide na naka-assign sa district personnel division ang naturang suspek na kumukuha ng pera sa lagayan. 

Empleyado ng MPD, na nahuling nagnanakaw sa 'honesty store'. Imahe mula Manila Bulletin
Nangyari ito noong August 2018, noong mawalan kaagad ng halagang P15,000 ang “honesty store” dahil kinukuha diumano ng suspek ang pera na nakokolekta sa lagayan. Kada mapupuno ito ay kinukuha niya ang pera, na napatunayan sa CCTV footage. 

“The manager asked for a copy of the (closed-circuit television footage) and saw (Liza) pocketing the sales. It is believed that (she) may have been coming back to collect the proceeds every time she noticed that the box was full.” 

Meron mga tinda na noodles, pagkain, inumin at iba pang panindan ang 'honesty store' na walang bantay. At kahit malapit pa ito sa guard, hindi pa din nakaligtas ang tindahan sa pagnanakaw at pagkuha ng labis na sukli at panindan ang mga mamili. 

“It is a tough proposition. Honesty store is not applicable in MPD or for that matter anywhere other than Batanes,” Tan said, referring to the Honesty Café in the province where the project was first implemented.

“We would like to open the eyes of the (police officers) that if they can be honest in small things they can also be trustworthy in bigger things,” Anduyan said during the launch.

Ayon kay  Chief Supt. Rolando Anduyan, binuksan ang 'honesty store' para masimulan sa MPD pa lang kung kaya maging honest ng mga tao dito. Ang kikitain sana na pera ay para mapalaki pa ang tindahan hanggang makasanayan na nila bumili kahit walang bantay at para marami pa ang makikinabang. Ngunit sa kasawiang palad, kinailangan nila na ito isara at ihinto. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PhilStar

No comments:

Post a Comment