Breaking

Tuesday, January 29, 2019

Dayuhan na naliligo ng hubo't hubad sa Puerto Princesa, ikinagalit ng mga residente

Imahe mula sa Travel Palawan at ABS-CBN
May dayuhan na hindi tinukoy saan bansa nanggaling ang sinasabing naligo sa dagat ng Puerto Princesa na walang suot na damit pangligo at naglakad sa Nagtabon Beach.

Bilang isang Pilipino, hindi normal ang maglakad sa beach ng walang tapis. Kaya naman sinita ng mga residente ang nasabing lalaking dayuhan na kaagad naman nagsuot ng damit at umalis. 



Ayon sa isang residente, dapat hindi pinapayagan sa Puerto Princesa gawin ng mga dayuhan ang ganun asal, dahil sa may mga bata na nakakakita na hindi naman kaugalian ng mga Pilipino. 

"Dapat sana hindi nila ginawang ganun. Kasi paghubad pa lang ng ano (shorts), mapapansin na sana ng ano (mga tao)," sabi ng residenteng si Mely Orpio.

"Dapat binawalan na nila kaagad, hindi na nila hinayaan na naghubad. Kasi lalo na maraming bata," dagdag ni Orpio.



Nagpaalala naman si City Information Officer Richard Ligad ang City Tourism Office na dapat binibigyan ng impormasyon ang mga dayuhan sa mga ganitong klaseng gawain sa beach.

"Reminder na rin natin siguro sa City Tourism (Office) na... mabanggit na hindi acceptable dito sa atin," ani Ligad.


"Magaganda ang beach dito sa Puerto pero ito yung mga do's, hanggang dito lang tayo," dagdag ni Ligad.

Walang batas ang nagbabawal sa paghuhubo sa beach, ngunit dapat na maunawaan ng mga turista na hindi ito bahagi ng kulturang Pinoy at sana ay maging sensitibo ang mga dayuhan  dahil dayo sila mula sa kanilang bansa.



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment