Breaking

Tuesday, January 15, 2019

DFA Sec. Locsin, assures assistance in the repatriation of the remains of newlyweds drowned in Maldives

DFA Secretary Teddy "Boy"Locsin Jr. condoles and assures assistance para maiuwi ang bagong kasal na nalunod sa Maldives. Imahe mula sa Philippine News at The Manila Times
DFA Sec. Locsin condoled with next-of-kin of Filipino couple drowned in Maldives, assures assistance in the repatriation of the remains

Latest update sa fund raising na ginawa ng mga kaibigan nila Leomer at Erika Lagradilla, ang bagong kasal na nabalitang nalunod sa Maldives noong kanilang honeymoon. 

Itinigil na ng mga kaibigan nila ang fund raising para malikom ang aabot sa Php1.2million, para maiuuwi ng bansa ang kanilang mga bangkay sa hospital sa Maldives. 



Hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw ang detalye ng pagkalunod ng dalawa, ngunit ayon sa kapatid ni Leomer, nakausap na nila ang hotel na kanilang tinuluyan at sinasabing nakita silang lumalangoy at nagssnorkling, ng huminge ng tulong una ang babae na si Erika sa mga staff ng hotel at ng makahinge ng tulong, makita-kita nilang ang dalawa ay lumulutang na sa isla. 

Sila Leomer at Erika Lagradilla ay ikinasal noong Disyembre 18, 2018 at nagtungo sa Maldives para sa kanilang honeymoon noong Enero 11, 2019.



"They cannot give the full details why my brother and sister-in-law drowned. As of now, nobody from the hotel has messaged us what really happened," ayon kay Mhapolle Lagradilla ang kapatid ni Leomer.


Sa post ng isa sa kanilang malapit na kaibigan na si Nikko A. Quiogue sa Facebook, sinabi niyang kahapon Enero 14, sasagutin daw ng pinagtatrabahuhan ni Leomer ang bayad sa Maldives hospital para maiuuwi ang kanilang katawan, ngunit kokompirmahin pa ito ngayon. 

Ngayon araw, ay nakipagmeeting ang pamilya ni Erika at Leomer kay DFA Sec. Teddy Locsin, kaya naman ng mabalitaan ng mga kaibigan nila Leomer at Erika ang magandang balita na sasagutin ng DFA ang pagpapauwi sa bangkay, itinigil na nila ang fund raising na kanilang sinimulan kahapon na umabot sa Php 2xx,xxx galing sa mga kaibigan, pamilya at donors na tumulong para malikomo ang sapat na pera upang maiuwi sila. 


"In connection to this, we would like to let you know that we have decided to stop accepting donations as we believe that due to the mentioned optimistic progress of this case, we no longer serve the purpose of creating a fundraising campaign anymore. We can now have something to hold onto knowing that there's a hopeful promise from our govt's end."


Imahe mula sa Facebook/Nikko A. Quiogue


Imahe mula sa Facebook/Nikko A. Quiogue
Ayon sa post ni  Quiogue, sa mga namba-bash kina Leomer at Erika  Lagradilla at sa mga kaibigan nito na gumawa ng fund raising, breadwinners ang dalawa, kaya natiis ng bagong kasal na magtrabaho abroad ng magkahiwalay para tulungan ang kanilang pamilya at pag-ipunan ang kanilang dream wedding at Maldives honeymoon. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment