Breaking

Friday, January 4, 2019

DOTr sisimulan na ang construction ng P350-B subway sa Metro Manila

Kauna-unahang subway sa Pilipinas, gagawin sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Imahe mula sa The Japan Times, FILE PHOTO
Dahil sa conflict noong Christmas break, hindi natuloy ang ground-breaking ceremony sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at Japan na magbibigay ng tulong financial sa pamamagitan ng "overseas development assistance loan" na magpopondo sa gagawin na Mega Manila subway. 

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, naantala ang ceremonial milestone na dapat idinaos noong nakaraang taon pa, para masimulan na ang P350-billion subway project sa Metro Manila ngayon Enero. 



Ang nasabing proyekto, ay tinatayang 25-kilometro ang haba na magsisilbing kauna-unahang "underground train system" sa Pilipinas. 

Itong subway na gagawin ay target na matapos sa 2022, bago pa man bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. 

Magsisimula ito sa Quezon City para mabigyan ng comfortable na transportasyon ang mga taga North hanggang Taguig City para naman sa mga taga South na magdudugtong din ng linya papuntang Manila’s Ninoy Aquino International Airport.


Ang proposed subway station ay located sa Mindanao Avenue, Tandang Sora, North Avenue, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan, Ortigas North, Ortigas South, Kalayaan Avenue, Bonifacio Globe City, Cayetano Boulevard and the Food Terminal Inc. complex.

Ang proyekto na ito ay naglalayon na bawasan ang pagsisikip ng mga sasakyan sa Metro Manila, sa pakikipagtulungan ng Japan International Cooperation Agency na sinasabing malaki ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa nararanasan na traffic sa bansa. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer


No comments:

Post a Comment