Breaking

Thursday, January 10, 2019

Duterte: "Kayong mga pulis, I'm warning you, do not drink in public."

Pangulong Rodrigo Duterte, nagbabala sa mga pulis na wag papahuling umiinom sa publiko. Imahe mula sa Presidential photos
Pangulong Rodrigo Duterte, nagbabala sa mga kapulisan na ayaw niyang may mababalitaan na alagad ng batas na umiinom sa publiko. 

Sinabi ito ng pangulo, matapos niya pagbawalan din ang mga kapulisan na tumambay sa mga casino. 

"Kayong mga pulis, I'm warning you, do not drink in public. Sa Davao pinagbawalan ko 'yan, pati kayo na ngayon, all over the Philippines. You do not enter into drinking places," aniya niya. 



Okada Manila pugad ng mga krimen

Noong isang taon lamang, ay mayroon insidente sa isang sikat at premyado na casino sa Maynila na kinasangkutan ng mga pulis. 

OKADA Manila. Imahe mula sa Okada

Mga Kapulisan, bawal na pumasok sa casino. Imahe mula sa owner
Ayon kay Duterte, sino man ang makita na alagad ng batas sa mga casino ay agad papatawan ng "dismissal" dahil diumano pugad ito ng kidnapping. 



Kadalasan diumano nasasangkot ang mga alagad ng batas sa mga illegal na transakyon sa loob ng casino. 

Kaya naman ikinuwento ng Pangulo, na noong Mayor siya sa Davao City, kadalasan pagkatapos ng operasyon ng mga pulis ay makikita mo ito sa mga bars na umiinom. Guilty diumano ang mga sundalo sa Philippine Army sa gawain na ito. 

Kaya naman, matinding utos ni Philippine National Police chief Director-General Oscar Albayalde na kung sino man pulis ang makikita na umiinom sa mga pampubliko na establishemento at tumatambay sa casino ay agad niyang edidismissed. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Rappler

No comments:

Post a Comment