Breaking

Thursday, January 10, 2019

Duterte: “Putangina 'yang COA na 'yan. Mag-kidnap tayo ng taga-COA, lagay natin dito, i-torture natin dito. T___ina."

Pangulong Duterte, pabirong may birida sa mga taga COA dahil sa panggigipit diumano sa pondo kapag may kalamidad. Imahe mula sa Rappelr
Galit na pinagmumura ni Pangulo Rodrigo Duterte ang mga taga Commission on Audit at nagbiro na ipa-kidnap at i-torture ang mga personnel ng COA dahil sa pagharang diumano ng ahensya sa mga pondo para sa gobyerno. 

Ito ay matapos na maantala ang pagbibigay ng pondo sa nakalipas na Typhoon Ompong na maraming nasalantang probinsya sa Luzon noong Setyembre ng nakaraang taon. 



“Putangina 'yang COA na 'yan. Leche. Kasi 'yung COA, every time, may mali talaga. Ano ba itong COA na ito? Mag-kidnap tayo ng taga-COA, lagay natin dito, i-torture natin dito. T___ina," aniya niya.

"Sino ba gusto makulong ng ano? Puro 'yan pahirapan. 'Yan ang ayaw ko ang pahirapan. You resolve the meaning of the words in favor of its implementation. Huwag ka sige maglagay d'yan ng hadlang." 



Kaharap ang 4,000 local officials ng Metro Manila noong Martes sa Pasay City, pabiro niyang pinagmumura ang mga taga COA at sinasabing kung may nilabag na batas ang COA ay dapat responsibilidad nila ito sa mamamayan. 

A lawyer in proression, kinuwestiyon ng Pangulo at nagtanong kung paano ang mga opisyal ng pamahalaan at mga empleyado ay maaaring mahatulan sa korte para sa paglabag sa mga circular ng COA na para sa kanya ay walang puwersa at epekto ng mga batas.



Sinabi ni Duterte na handa siyang akuin ang responsibilidad na dapat ay ang sisisi ay sa COA ng mga transaksyon ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng humanitarian assistance sa mga taong naapektuhan ng mga kalamidad, lalo na sa Typhoon Ompong.

Ayon naman sa Malacañang, ipinahayag lamang ni Duterte ang kanyang pag-aalala sa mga limitasyon sa paggastos na may kaugnayan sa paghahatid ng makataong tulong sa panahon ng krisis.



Nag-react ang CHR sa joke

Matapos ang maanghang na salita ni Pangulong Duterte sa mga taga COA, nabahala naman ang Commission on Human Rights sa mga naging pahayag ng pangulo. 

Ayon sa CHR, sana daw ay hinay-hinay ang pangulo sa mga salitang binibitawan nito at sana daw ay isa lang itong biro laban sa mga tauhan ng COA.

"We do hope that the statements uttered by the President are not serious. We are alarmed though with the use of the words 'torture,' as well as 'kidnapping,'" ayon sa CHR spokesperson na si Atty. Jacqueline de Guia.

"These are serious human rights violations, if carried out, and we do hope that these terminologies will not be used even in the context of jokes and uttered against any one, may it be an ordinary person, a public official, or COA."

Nakakabahala ito, kung sakaling totoo man ang naging pahayag ng pangulo. 

Inaasahan ni De Guia na ang mga remarks ng pangulo ay hindi makakaapekto sa mga tungkulin ng mga tauhan ng COA, na sinasabi lamang na ang kagawaran ay sumusunod lamang sa konstitusyunal nito ay tinitiyak lamang ang wastong paggastos ng pondo ng gubyerno gaya ng iniaatas ng utos nito.

Sa ngayon, ang COA ay walang komento sa mga tirada ng Pangulo.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: GMAGMA

No comments:

Post a Comment