Breaking

Sunday, January 13, 2019

Duterte: "Wala na. I will issue an executive order at this early na I’m banning firecrackers.”

Pangulo Rodrigo Duterte, nais  tuluyan mawala ang firecrackers sa bansa. Imahe mula sa Manila Bulletin at CNN Philippines
Sa isang speech ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bulacan noong Huwebes, sinabi niya na ipapaban niya na totally ang mga paputok bago pa may mas malalang mangyari sa mga tao. 

“I will issue an executive order at this early na I’m banning firecrackers altogether,” sabi ng Pangulo Duterte.

“I will ban firecrackers. Wala na. Bakit ako papayag na noon 700 dead tapos maski isang bata lang mawalaan ng kamay. As a president, why would I allow it?”



Ayon sa Department of Health, sa pagitan ng Disyembre 21 hanggang Enero 4, tinatayang 305 na katao ang tinamaan sa mata at nalapnos ang balat dahil sa paputok, habang 2 naman ang nakatamo ng "ingested gunpowder."

Duterte signs EO sa pagbawas ng paggamit ng paputok

Noong Hunyo 2017, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 28 na kung saan 'nililimitahan' lamang ang paggamit ng paputok. 

"[There] continues to be a substantial number of firecracker related injuries, even casualties, recorded every year, some involving bystanders," ayon sa EO.



Sinasabi ng EO na dahil sa mga pinsala ng mga paputok na nakamamatay at nakakasugat, "ang pagpapahayag ng mas mahigpit na pambansang pamantayan, alituntunin at regulasyon ay nararapat."

Ayon sa EO, maaring magpaputok isang "display fireworks community" na kung saan ay "pinasimunuan sa ilalim ng pangangasiwa ng isang sinanay na taong nararapat na lisensyado katulad ng Philippine National Police."

At dahil dito, ang bilang ng porsiyento na 40% mas mababa kumpara sa parehong panahon ng pag-uulat sa 2018.
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment