Breaking

Friday, January 18, 2019

Hontiveros, isusulong ang "absolute divorce" bill sa Senado

Senator Risa Hontiveros, isinusulong ang Divorce sa Pilipinas. Image mula sa The Philippine News
Bago pa man pumasok at maluklok sa Senado ang mga bagong Senador sa tumatakbo sa Mid-term election sa Mayo 2019, ay hindi papatalo ang kasalukuyang Senador Risa Hontiveros na pursigido maaprubahan ang kanyang bill. 

Hindi naman lingid sa karamihan ang mga broken families, dahil sa mga kadahilanan na hindi napagkakasunduan ng mag-asawa. 



Kaya naman sa ilalim ng bill ni Senador Risa Hontiveros, ang Senate Bill 2134 o ang "Divorce Act of 2018," ay naglalayon na magkaroon ng 'legal separation' ang isang kasal na mag-asawa dahil sa "physical violence and grossly abusive conduct."


"It has been well-documented that the absence of a divorce law has had disproportionate effects on women who are more often victims of abuse within marriages, and who are forced to remain in joyless and unhealthy unions because of the dearth of legal options," ayon kay Senator Risa Hontiveros.

"Studies have shown that breaking free from such unions and being given a fresh start result in improved health outcomes for women,” aniya niya.

Ayon pa sa bill na isinusulong ni Hontiveros, ang "psychological incapacity" sa sino man sa mag-asawa, 'irreconcilable marital differences', marital rape and ang paghihiwalay ng halos 5 taon ay maari ng grounds para sa divorce. 

Sa mga spouse na mapapatunayan na mamimilit sa kanyang asawa na pumirma sa divorce ay pagmumultahin ng P200,000 at 5-taon na pagkakakulong. 

Hindi man sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa "absolute divorce" bill sa kadahilanan na tutol dito ang kanyang anak na si Davao Mayor Sara Duterte, pag-aaralan naman ito mabuti ng Senado on their committee level. 

"My daughter is not happy with that. Really," ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. 
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source:ABS-CBN

No comments:

Post a Comment