Breaking

Monday, January 21, 2019

House Committee on Justice, aprubado ang pagbaba ng edad ng 'criminal responsibility' mula 15 years old to nine years old

Imahe mula lathala.com

Inaprubahan ngayon Lunes ng House Committee on Justice ang "substitute bill" na naglalayon pababain ang edad ng criminal responsibility from 15 years old to nine years old.

Sa ilalim ng naturang bill, ang isang bata na 9 na taong gulang at mas mababa sa panahon ng pagkakasala ay hindi dapat patawan ng kriminal na pananagutan.



Habang ang mga nasa edad 9 na taong gulang ngunit hindi pa 18 taong gulang ay hindi dapat palagpasin sa kriminal na pananagutan maliban kung ang menor de edad ay kumilos nang may isip na.

Ayon kay House panel chair Oriental Mindoro Representative Salvador Leachon, ipinaliwanag niya na hindi naman kailangan ikulong ang bata sa bilangguan, bagkus kailangan lang sila baguhin at gabayan sa nagawang pagkakamali. 

Kasabay nito, hindi sila mamamarkahan bilang mga kriminal kundi mga bata na may nilabag sa batas.



Sinabi rin niya na isinasaalang-alang ng kanyang commitee ang naturang panukalang batas.

"The Committee recognizes that the youth is an integral part nation-building and the State must ensure and preserve their overall well-being," ani ni Leachon.

"It is but the time to pass this bill to protect your children from being used by ruthless and unscrupulous criminal syndicates to evade prosecution and punishment."



"The current Congress gives utmost importance to legislative measures that ensure the safety of our future generations." 

Sabi ni Leachon, na nakaka-alarma ang pagdami ng kaso ng mga sindikato na ginagamit ang mga menor de edad para gumawa ng krimen. 



Komento ni Robredo at ng UNICEF Philippines

Kahit na inaprubahan pa ng justice commitee ang substitute bill to House Bills 2, 505, 935, 1609, 2009 and 3973 na nagpapababa ng criminal responsibility sa mga kabataan, tutol naman dito si Bise-Presidente Leni Robredo, UNICEF Philippines at iba pang child rights groups. 

Ayon kay Robredo, hindi kailangan parusahan ang mga menor de edad na nagkakasala, kundi mas kailangan nila ng tulong dahil sa pagkakagawa ng kasalanan sa batas. 

"Sa ating mga kasamahan na mga mambabatas, iyong lowering the age of criminal liability, maawa naman po tayo sa ating mga kabataan,”  ayon kay Robredo. 

"Imbes na parusahan natin sila, tulungan natin—tulungan natin na makapagbagong buhay," dagdag niya. 

Habang ayon naman kay Lotta Sylwander, representative ng UNICEF Philippines, ang pagbaba ng edad ng "criminal responsibility" ay salugat sa kanilang advocacy sa pagpapanatili at pag-protekta ng child rights.

"It goes against the letter and spirit of child rights."

"There is a lack of evidence and data that children are responsible for the increase in crime rates committed in the Philippines. Lowering the age of criminal responsibility will not deter adult offenders from abusing children to commit crimes," aniya niya.

Nasa committe level pa ang naturang bill, magkakaroon pa ng hearing sa Senado at umaasa si Leachon na magiging batas na ang naturang bill sa darating na 7th Congress na magtatapos sa Hunyo ngayon taon. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: GMA

No comments:

Post a Comment