Breaking

Wednesday, January 23, 2019

Isang babae, huli nang magtangkang magpuslit ng bagay na ito na isinilid sa kanyang panty

Imahe mula sa Facebook

Sa mga nakaraang taon ay tila naging buhay hari at reyna ang mga taong nasa kulungan. Hindi nangingiba ang mga ito sa buhay sa labas dahil posible naman nilang makamtan ang mga bagay na nakukuha ng mga malayang tao. Ang pinagkaiba lamang ay nakakulong ito sa apat na sulok at ang mga malaya ay nakakapunta sa mga lugar na nais nito. Marami at talamak ang mga pagpupuslit ng mga bawal na bagay sa loob ng kulungan. Maging ang mga bawal na gam0t ay malayang naipupuslit dahil na din sa malawakang koneksyon ng mga drug lord sa bansa. Sa dami ng kanilang galamay, nagagawa pa ng mga ito na mag-operate habang nasa kulungan. 



Sa administrasyong Duterte ay mas naging mahigpit ang seguridad sa mga kulungan. Ang Bureau of Jail Management and Penology ay may mataas na security measures lalo na sa mga pagpupuslit ng mga bawal na items na noon ay maluwag na nakakapasok sa mga kulungan. 

Nitong hapon lang ay nag-viral ang post ng BJMP sa Baguio nang mahuli nito ang isang babae na sumubok na magpuslit ng mga tuyong dahon ng tabako. Ito ay natunton ni Prima Payay Nguynguyon na nakasilid sa panty ng isang ginang. Sa post ay makikita ang mga litrato ng ginang at kung paano mismo ito natunton na nakatago sa panty ng babae. 



Sa ngayon ay wala pang mas malalim na detalye ukol sa ginang. Pinapurihan naman ng mga netizen ang BJMP female search officer para sa pagkakahuli at pag-udlot ng tangkang pagpasok ng kontrabando sa kulungan. 

Isang netizen naman ang nagbahagi ng iba pang karanasan ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng polisiya ng pagkakalkal ng mga gamit ng mga dumadalaw sa kulungan. Aniya ay minsan pa ay sa mga pagkain inihahalo ang mga kontrabando kaya naman ay ganun na lamang ang pagiging mahigpit ng mga search officer. Sabi nito, 



“Trabaho lang, walang personalan” 

Walang respeto man sa tingin ng mga tao, ngunit hindi diumano natin masisisi ang mga gwardya ma maging mas mahigpit at mabusisi ng mga ito. 



Sigaw ng mga netizen,

“Keep up the good work!” para kay Prima na nakatunton ng pagtatangka ng ginang. Saludo ang mga ito sa officer.




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment