Breaking

Saturday, January 19, 2019

Kalahating katawan ng sanggol, naiwan sa sobrang hatak ng nurse habang ipinapanganak

Ang larawan na ito ang hindi aktwal na litrato ng sanggol at nurse. Imahe mula sa Mom.me

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol, habang ito ay ipinapanganak dahil sa sobrang paghila diumano ng nurse sa paa. 

Namatay ang sanggol, samantalang ang kanyang ina ay nasa kritikal na kondisyon. 



Nangyari ito sa Rajasthan, India noong Enero 6, na kung saan aksidenteng nahatak masyado ng nurse ang mga paa ng sanggol habang ipinapanganak ito sa delivery room.

Hindi ito cesarean section, kundi normal delivery ayon na din sa kagustuhan ng doktor kahit napag-alamanan pa na ang sanggol ay suhi. Kaya naman ng naputol ang ibabang bahagi ng katawan ng sanggol ay agad na dinala ng nurse sa health center. 


Isinugod kaagad ang ina sa pinakamalapit na ospital, at dahil sa paglilihim ng health center sa totoong nangyari, kaya naging kritikal ang kondisyon ng ina dahil naiwan pala ang ulo ng bata sa sinapupunan nito na inakala nilang naiwang placenta. 

Imahe mula sa The Asian Parent
Maging aral nawa ito na kapag suhi ang sanggol ay kinakailangan ng ibayong pag-iingat. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: KAMI

No comments:

Post a Comment