Breaking

Friday, January 18, 2019

Kris Aquino, nag-sorry kay Nicko Falcis sa pananakot sa kanya: “Nagkamali ako sa simula at inaamin ko ‘yon, and I apologized.”

Kris Aquino, umamin na siya ang babae na kaupap ni Nicko Falcis na nag-viral sa social media ang call recording. Imahe mula sa Panay News
Mainit na mainit na usapin ang nangyari sa pagitan ng Queen of all media na si Kris Aquino at kanyang dating manager na si Nicko Falcis. 

Kung matatandaan ay nagkaroon ng paunang press statement si Aquino at sa naturang Facebook live ay nagsalita ang kanyang mga abogado at sinasabing bakit ngayon lang nagsalita si Nicko Falcis kung sinasabi niya na tinakot daw siya ni Kris Aquino kaya hindi kaagad ito nagsampa ng kaso at nagsalita laban sa kasong isinampa ni Aquino. 



Noong isang araw, habang si Kris Aquino ay nasa isang ospital sa Singapore para sa karagdagang pagsusuri, isang recording ang naging usap-usapan nanaman sa social media sa pagitan ng pag-uusap ni Kris Aquino at ng kanyang dating manager na si Nicko Falcis.

Ang katanungan ng lahat, kung totoo ba ang recording na kumakalat ay malugod na inamin ng Queen of all Media.

Noong nakaraang gabi, Enero 15, sa pamamagitan ng Facebook at Instagram live, matapang na inamin ni Kris na siya ang babae sa recording, at nangyari ito noong Setyembre 27, 2018.


“It’s now January 2019, he waited 110 days. Kung grave threat talaga yun, the very next day, sana, kinasuhan mo na ko,” ayon kay Kris. 

Sinabi din niya na si Falcis, na nasa ibang bansa sa panahong iyon ay walang dahilan para hindi siya kaagad mag-file ng kaso laban sa kanya “all he had to do was to file an affidavit, but he did not,” ani Kris. 

Inamin ni Kris, na siya ang nasa recording at inamin na mali ang kanyang ginawa kay Nicko. 


“Nagkamali ako sa simula at inaamin ko ‘yon, and I apologized. Nagkamali ako dahil sa tindi ng galit ko, dahil nung panahon na ‘yon, I put everything into context, my son was breaking down,” sabi ni Kris. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Manila Bulletin

No comments:

Post a Comment