Breaking

Wednesday, January 23, 2019

Kwentong SM? Netizen, ibinahagi ang naging karanasan bilang empleyado ng yumaong si Henry Sy Sr.

Imahe mula sa Facebook

"Patay na ang Contractual King pero patuloy ang legasiya ng sistemang Kontraktwal sa loob ng SM."

Isang netizen ang ibinahagi ang kanyang naging karanasan bilang isang "cashier" ng SM, noong nag-uumpisa pa lamang siya magtrabaho. 



Ayon kay Dimple Paz-Bonganay, habang bumibili siya sa SM ay naalala niya ang kanyang naging karanasan bilang isang empleyado ng isa sa pinakamalaking mall sa buong bansa. 

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Bonganay kung paano mas malaki pa ang sahod ng contractual kaysa sa regular na empleyado ng SM. Ibinahagi niya din ang kanyang naging karanasan sa pag-apply at kung paano maging cashier sa SM. 



Basahin ang kanyang buong post dito:

"#KwentongSM sa kaso ko? Regular naman ako. Pero totoong buhay toh. Regular nga ako pero mas malaki pa sinasahod ng contractual sakin. Yung trabaho ko katumbas ng apat na tao. Pero ang sahod para sa kalahating tao lang. Yung mga taong lugaw sila pa yung matataas ang position ngayon. Di ko alam kung san nila kinukuha ang salitang performance daw??? Anu bang meaning nila sa performance.

Nagpunta ako sa mall bumili sa SM supermarket, Habang nakapila at nag aantay para bayaran ang pinamili, Nagflashback lahat ng mga nangyari sa akin nung panahong nagtatrabaho ako sa SM Supermarket bilang isang Cashier.



Madami na kong pinasukang trabaho para lang mai-survive ko ang pag aaral ko, pinakahuli ang SM sa lahat ng pinasukan ko. Pagka-graduate ko ng kolehiyo, nag apply ako sa SM supermarket malayong malayo sa kurso ko pero cashier ang napasukan ko dahil sobrang hirap na maghanap ng trabaho sa pilipinas at sympre mas madaling magbyahe kumpara sa mga BPO companies na located pa sa ortigas o di kaya ay sa makati.

Natanggap naman ako agad, pero sandamakmak na requirements ang kailangan kong ipasa, health certificate, Police clearance, NBI, medical certicate, May mga kailangang bilhin at dapat kami din ang bibili ng uniform at sapatos na sandals namin na sa kanila din binibili, So, dun palang sa lahat ng yun di pa ko sumasahod ay 5k na agad gastos ko. Nung nakumpleto na ang requirements ko, agad na nagpasa at sympre pumirma ng contract, as usual contractual - 5 months kasama ang waiver na pinipirmahan na bawal kang sumali o bumuo ng anumang organisasyon habang nasa SM ka at number one doon ay bawal mag unyon. Nagtraining pa kami ng 1 araw, paano paganahin at gamitin ang POS, pagbabalot sa plastic at karton ng mga pinamili ng customer, at kung anu ano pa, ibigsabihin lahat ng yun dapat marunong ka, dahil hindi lahat ng cashier ay may kanya kanyang bagger, dahil ikaw mismo multi tasking ka.



Sa ilang buwan kong ngtatrabaho sa SM mag in ako ng maaga, pero ang out ko ay higit pa sa walong oras. Ika nga ng mga matagal na dun "OTTY" or Over Time Thank you! noong panahon na nagtrabaho ako lagi naming reklamo ng mga ka trabaho ko ay walang bayad na overtime, pero kapag late kami pumasok bawas at hindi counted ang OT namin, at may baon kapang report IVR (not sure at nakalimutan ko na pero Incident Violation Report ata ito) anyways memo ito na nagviolate ka, kabawasan para di ka maregular.

Madalas na laging sobra din ang nairemit namin dahil naiipon ang mga cents na minsan hindi na naisusukli sa customer, ganansya na naman si SM, pero kapag na short ka sa niremit mo ay bawas sa sweldo. Sa ilang buwan, madaming mga nakakausap na mga katrabaho iba-iba direct hired gaya ng baggers at mga cashiers na ang tawagan ay "Buddy" bilang kasama sa trabaho - puro contractual din. May merchandiser or mas kilala sa tawag na "diser" na mga galing namang agency, merong ding consignors na empleyado sa mga brand, may mga ilan ding regular gaya ng nasa customer service mga manager, supervisor na mas madalas na makakaharap mo ay masusungit at laging ang mentality ay "customer is always right", at lahat ng ginagawa natin ay tulong natin kay SM.



Kanina, habang minamasdan ang mga ngtatrabaho dun sa SM, naiisip ko yung araw araw na pagsasamantalang ginagawa sa kanila ng SM, esp. yung mga cashier na habang tumatanggap ng pera ay hirap na hirap sa pagbabalot, habang ang mga bagger ay magsasalit salit sa 3-4 na counter na hawak niya. Habang yung iba pang empleyado dun nakasimangot na dahil dapat nag out na daw sila dahil 9am - 6pm lang siya pero mag alas otso na eh hindi pa siya pinapa-out.

Yung sistema ng SM na hindi makatarungan, yumaman dahil sa pagsasamantala sa mga manggagawa, hindi pa dahil magaling siya o anu pa man. "Yumaman siya sa pagbili ng murang lakas paggawa, OOTY, at higit sa lahat pinasahol pa ng matinding Kontraktwalisasyon sa SM dahil walang seguridad ang manggagawa sa nga benepisyo.



Patay na ang Contractual King pero patuloy ang legasiya ng sistemang Kontraktwal sa loob ng SM, 99% ng kanilang mga manggagawa ay contractual, Kaya mas dapat i-expose ang kabulukan ng sistemang ito, dapat patuloy na igiit ang pgpapatanggal ng Kontraktwalisasyon, dapat ding imbestigahan at iexpose ang Sistemang Consignor na nagtatakip sa umaalingasaw na Kontraktwalisasyon, Hindi dapat na pagbawalan ang mga manggagawa na mag unyon, dahil ang mag unyon ay isang karapatan.

Manggagawang Kontraktwal, Gawing Regular!
Ccto from Dimple Paz-Bonganay"


Kaya naman, matapos na magviral sa social media ang kanyang post at umabot na sa 4.4K shares ang kanyang naging karanasan, ay umani ito ng ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Imahe mula sa mga komento sa Facebook

Imahe mula sa mga komento sa Facebook

Imahe mula sa mga komento sa Facebook

Imahe mula sa mga komento sa Facebook

Imahe mula sa mga komento sa Facebook
Imahe mula sa mga komento sa Facebook



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment