Breaking

Wednesday, January 16, 2019

Lalaki, ibinenta ang kidney at bumili ng iPhone 4 at iPad 2, ngayon nakaratay na

Lalaking ibinenta ang isang kidney,  ngayon nagdadialysis na makalipas ang 11 taon. Imahe mula sa The Filipino Times

Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawa ng isang lalake sa China, matapos niyang ibenta ang kanyang kidney walong taon na ang nakalipas. 

Sising-sisi si Wang Shangkun, 25-taon gulang na taga probinsya sa East China na nagdadialysis ngayon dahil sa pagbebenta niya ng isa sa kanyang kidney noong siya ay 17-taon gulang palang. 

Ayon kay Shangkun, hindi naman daw kawalan ang isa sa kanyang kidney kaya naisipan niyang ibenta noon. Kumita si Sangkun ng AUD$4,500 o katumbas ng ₱170,000 sa pagbenta niya ng kidney noong Abril 2011.



Ang napagbentahan niya ng kidney ay ipinambili niya ng nauuso na iPhone 4 at iPad 2 noon. 

“Why do I need a second kidney? One is enough,” aniya niya. 

Walong taon ang nakalipas, ngayon ay 25-taon gulang na siya nagkaroon siya ng komplikasyon sa isa niyang kidney na naiwan, dahil sa hindi tama at hindi malinis ang procedure na ginawa sa pagtatanggal sa isa niyang kdiney. 

Kaya naman, hindi na itinuloy ni Shangkun ang pag-aaral at lagi nalang siya nakahiga dahil sa pagdadialysis. 

Dahil sa sinapit ni Shangkun, inaresto ang 9 na katao, kabilang ang mga surgeons na nakinabang sa kidney ni Shangkun at nakatanggap ang kaniyang pamilya ng $300,000 bilang kabayran sa kaso. 

Si Shangkun ay nakatira sa isa sa mga pinakamhiran na probinsya sa China, kaya marahil naisip niyang magbenta ng kidney noon. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: KAMI

No comments:

Post a Comment