Breaking

Thursday, January 24, 2019

Malapit na maaprubahan ang pagiging legal na paggamit ng medical marijuana sa Pilipinas

Imahe mula sa ultrahealth.com

Sa ikalawang pagbasa ng house of representatives ay inaprubahan ang bill na kung saan legal na ang paggamit ng medical marijuana sa ating bansa. 

Sa House Bill No. 6517 o ang "proposed Philippine Compassionate Medical Cannabis Act" na isinulat ni Isabela Representative Rodolfo Albano III ay unang naaprubahan noong Setyembre 2017 sa ilalim ng House Committee on Health.



Ang pagiging legal ng medical marijuana ay naglalayon na i-legalize ang paggamit na medical ng "cannabis o marijuana" na nakakatulong sa paggamot ng may chronic o "debilitating medical conditions" katulad ng arthritis, epilepsy at multiple sclerosis. 

Ayon sa sumulat ng bill na ito na si  Rep. Albano hindi maaaring gamitin ang marijuana na ito ay isang dahon o hinihithit. 



Pangulong Duterte sa marijuana

Bago pa man maging Presidente si Pangulong Rodrigo Duterte, sumasang-ayon na siya sa medical na paggamit ng marijuana dahil ito daw ay nakakatulong sa paggamot. 

"It is an ingredient of modern medicine now."

Ayon naman kay Senator Tito Sotto, hind na daw kailangan na maipasa pa ang legal na paggamit ng marijuana, hangga't nasa wasto lang ang paggamit nito. 

A provision under the law states that patients can apply for a "compassionate special permit" from the Food and Drug Administration (FDA), which allows unregistered drugs in the country to be used for medication.

Ayon naman kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, nakatulong daw sa kanya ang medical cannabis dahil pinapagaling nito ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang leeg at gumagamit siya nito sa mga bansa na legal ang medical marijuana. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: CNN Philippines

No comments:

Post a Comment