Breaking

Sunday, January 27, 2019

Mar Roxas, nais gawin batas ang 4Ps: "Dapat maisabatas ‘yan. Para kahit sinumang uupo sa administrasyon, hindi ‘yan mawawala."

Imahe mula sa Abante at Official Gazette

Malaki ang paniniwala ni dating Interior Secretary Mar Roxas na dapat maipasang batas ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ibinibigay ng gobyerno sa pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)para sa mga mahihirap na pamilya para maitaguyod ang kanilang mga pangangailangan. 

Ayon sa tumatakbong Senador, dapat maging batas itong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para kapag naging batas na ito, hindi na mawawala ito kahit na ilang Presidente pa ang magdaan. 



“Matibay ang paniniwala ko na dapat maisabatas ‘yan. Para kahit sinumang uupo sa administrasyon, hindi ‘yan mawawala,” Roxas told the Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid interview noong Biyernes.

Naniniwala din si Roxas na ang 4Ps ay malaking investment ng gobyerno para matulungan ang bawat pamilya lalo na ang mga bata na maging malusog para makapag-aral dahil mas magastos pa umano ang pagpapagamot sa mga bata kapag ito ay nagkasakit.



“Ang 4Ps hindi gastos yan.  Investment ‘yan ng gobyerno sa pagpapalusog sa mga anak.  Importante ang kalusugan ng mga bata para nakakapasok sila sa eskwela.  Mas magastos kung mapupunta ang pera ng gobyerno sa pagpapagamot ng sakit ng mga bata,” ayon kay Roxas. 

Dagdag pa niya, na ang mga beneficiaries ng 4Ps ay higit na makakatulong sa mga lugar na kung saan maraming mahihirap. 

“Layunin ko na unti-unting dagdagan pa ang bilang ng beneficiaries ng 4Ps para mas dumami ang matulungang mga mahihirap,” aniya niya. 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay ang pangunahing ahensya na nangangasiwa sa mga conditional cash grants sa mga benepisyaryo nito upang "mapabuti ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga bata na may edad 0-18."


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment