Breaking

Tuesday, January 29, 2019

Matandang tindera, ninakawan diumano ng Php5,000 ng babaeng nagbigay ng tinapay

Imahe mula sa Facebook


Bagong modus ng mga kawatan ang istilo ng babae na diumano'y kumuha ng pitaka ng isang matandang tindera na may laman na Php5,000. 

Ayon sa isang post ng netizen na si Axl Jason sa Facebook, nakita niya ang isang matanda na nagtitinda sa labas ng South Station Alabang, Muntinlupa City na balisa at tila may hinahanap. 



Nilapita ni Axl ang matandang tindera at tinanong kung ano ang hinahanap nito. Ayon sa matandang tindera, may lumapit daw sa kanyang babae at nagbigay ng tinapay at nang makaalis na ang babae, nawala na ang kanyang pitaka na naglalaman ng Php5,000 na kanyang inipon. 

Sinundan daw ng matandang tindera ang babae, ngunit hindi niya ito naabutan. Kaya naman galit na galit si Axl Jason sa babaeng gumawa ng ganito sa matandang tindera kaya niya pinost at shinare sa Facebook para sakaling may tumulong sa matandang tindera. 



Basahin ang kanyang post dito:

"Bago ako umuwi, nakita ko si lola na para bang may hinahanap at di mapakali, lumapit ako tapos tinanong ko siya, sabi ko "nay ano pong hinahanap niyo?" ang sabi niya yung pitakang naglalaman ng inipon niyang pera ay Nawawala. May lumapit daw na babae sa kanya. Inabutan daw siya ng tinapay tapos bigla nalang umalis. Pag alis niya napansin niyang wala na pitaka niya. Sinubukan pa ni lola na sundan yung mga babae pero mukang nakalayo na ang mga hayop.

Nakakalungkot lang na pati yung matanda di pinalampas ng mga walang kwentang mga tao. Mga demonyo!😡 di na kayo naawa. I can only imagine kung gaano niya katagal pinaghirapang ipunin yung limang libo sa kakarampot niyang kinikita. Hays. Sa taong nagnakaw doon sa matanda, sana karmahin ka! Diyos na bahala sayo. Hayop ka!!


Sa mga gusto po sigurong mag abot ng tulong kay lola kahit sa munting paraan lang, nasa may South Station Alabang, Muntinlupa City. nasa may KFC siya naka pwesto"

Umabot na sa 16k shares ang post ni Axl Jason, at halos lahat ng reaksyon at komento ng mga netizen ay galit at nalulungkot sa sinapit ng matandang tindera ng sigarilyo at kendi. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment