Breaking

Monday, January 14, 2019

Mga kaibigan ng bagong kasal na nalunod sa Maldives, huminge ng tulong para maiuwi sila ng Pilipinas

Newlyweds, nalunod sa Maldives habang naghohoneymoon. Imahe mula sa Facebook/ Erika Joyce Lagradilla
Kalunos-lunos na pangyayari ang sinapit ng bagong kasal na sina Leomer and Erika Joyce Lagradilla na ikinasal noong December 18, 2018 na parehas taga Laguna ang binawian ng buhay habang nagbabakasyon at ginaganap ang kanilang 'honeymoon' sa napakagandang paraiso na Maldives sa ibang bansa. 

Ayon sa kapatid ni Leomar na si Mhapolle, hindi pa nila alam ang buong istorya pero ninais nila ngayon ang maiuwi sa Pilipinas ang kanilang kamag-anak. 



Nabalita ang pangyayari sa mag-asawa sa local news agency na RaajjeMV  na kung saan, noong Linggo ay mayroon Filipino couple ang natagpuang nalunod sa Dhiffushi island. Dead on arrival daw ang dalawa sa hospital na pinagdalhan ayon sa Maldives Police. 

Nakikisimpatya ang Department of Foreign Affairs sa pamilya nila Leomer at Erika, at magbibigay ng ano man tulong para maiuwi ang kanilang mga katawan sa Pilipinas. 



Ayon mga kaibigan ng mag-asawa na gumawa ng paraan para makalikom ng PHP1,268,000 online,  habang tumatagal daw ang kanilang mga cadiver sa morgue ng hospital sa Maldives, dumadagdag ng $500 ang halaga sa kailangan nilang malikom para sa pagpapauwi sa kanila dito sa Pilipinas. 

Sabi ni Mhapolle, na-contact na nila ang hotel na pinagtuluyan ng dalawa, ang sabi ay nakita daw na nagssnorkling ang dalawa,  ng huminge ng tulong si Erika at ng may dumating na tulong, parehas na silang nakalutang sa tubig. 

"'Yung sa Maldives po, sa resort po. Kasi, actually kahapon, kagabi pa po, tinatanong namin kung paano nangyari, wala pa po silang mabigay na full details kung paano po nalunod si Kuya at si Ate," ayon kay Mhapolle.



"As of now, wala pa pong nagme-message sa akin from the hotel kung ano po talaga 'yung insidenteng nangyari." 



Ayon kay Mhapolle, hindi Maldives ang dapat nilang pupuntahin, kundi Japan dapat, ngunit hindi nabigyan ng visa si Erika kaya sa Maldives sila nagpunta para mag-honeymoon. 

"Actually, ang first destination po nila is sa Japan po, pero hindi po naapprove ang visa ni Ate Erika, so they planned po another destination, 'yun pong Maldives."

Sa ngayon, ay patuloy na humingi ng tulong ang pamilya at mga kaibigan ng bagong kasal na sina  Leomer at Erika para maiuwi kaagad ang kanilang mga bangkay sa Pilipinas. 




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment