Breaking

Saturday, January 19, 2019

Ministry of Tourism ng Maldives, sasagutin ang pag-papauwi sa Filipino honeymooner na nalunod

Imahe mula sa WorldAtlas.com at Leomer Lagradilla Instagram

Sinabi ng Ministry of Tourism ng Maldives, na sila gagastos sa pagbabalik sa Pilipinas ng mga labi ng mag-asawang Pilipino na nalunod sa Maldives habang nasa kanilang honeymoon.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato isang tweet kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. noong Miyerkules, na ang Ministry of Maldives na ang magpapauwi sa labi ng dalawa. 

"Sir @teddyboylocsin, Dhaka PE (Philippine Embassy) has just informed @DFAPHL that the Ministry of Tourism of the Maldives has conveyed to the #Philippines Honorary Consulate in Male that it would take care of the cost of bringing Leomer and Erika home." 

Nauna ng nagpabatid ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) at nangakong babayaran ang halos Php1.2 milyon na halaga ng pagpapauwi sa mga labi nila Leomer at Erika Joyce Lagradilla na kakakasal lamang noong Disyembre 18, nakaraang taon. 



Sila ay nalunod sa Dhiffushi island habang nag-ssnorkling ayon sa hotel na tinuluyan nila, ngunit hindi pa din ito matanggap ng kanilang mga ka-anak at kaibigan dahil sa biglaang pagkawala. 

"Anong nangyari, wala na? Anong nangyari sa anak ko at kay Erika? Mahirap tanggapin pero wala na kami magagawa. Tinatanong ko sila bakit, bakit kailangan mangyari? Sabi nila may plano si Lord para sa kanilang dalawa," ayon sa ama ni Leomer na si Leo Lagradilla. 

Ang mga detalye tungkol sa pagkamatay ng mag-asawa ay nananatiling palaisipan. Dahil ayon sa local na balita sa Maldives, hhumingi ng tulong si Erika dahil ang kanyang asawa na si Leomer ang unang nalunod, kasunod nito ng may dumating na saklolo ay natagpuan din nakalutang na si Erica.

Ang parehong mga pamilya nila ang nakikipag-ugnayan din sa mga pulis na nag-iimbistiga sa insidente. Naghihintay din sila ng feedback mula sa hotel kung saan nanatili ang mag-asawa.


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment