Breaking

Saturday, January 26, 2019

Mocha Uson may mensahe para kay Anne Curtis: “Read before you react mam”


Imahe mula sa Spot.ph at PEP.ph

Umani ng iba't-ibang reaksyon ang panukalang pagbaba ng 'criminal liability' para sa mga menor de edad. Ang unang proposed na edad ay 9 na taong gulay sa 12. Marami lang ang tumututol, marami din ang sumasang-ayon sa batas na ito. 

Kaya naman, isa si Anne Curtis na isang UNICEF advocate ang nagbigay ng kanyang opinyon. 



Ayon kay Anne, ang criminal responsibility na ipapataw sa isang bata na may edad na 9 ay maari pa na magbago at hindi dapat silang ikulong. 

“Nakakalungkot isipin na ibaba nila ang criminal responsibility to the age of 9. At that age they are very much children. They still have a chance to change their ways if they happen to cause or get into any trouble instead of being sent to jail and sentenced as an adult.” 



Bumanat naman si dating PCOO Asec. Mocha Uson sa naging reaksyon ni Anne Curtis na kanyang sinagot sa kanyang Facebook post. 

Sabi ni Uson, mag-research daw muna si Anne bago magbigay ng opinyon dahil hindi 9 years old ang criminal liability kundi edad 12 taon gulang na. At hindi daw sa kulungan dadalhin ang mga bata kundi sa isang institution. 


"Mam pakibasa po muna yung provision hindi po react ng react. Mali mali po kasi. Hindi po 9yrs old, 12 na po. Hindi rin po sa jail dadalhin, sa reformative institution dadalhin ang bata. Lastly, iba po ang treatment sa kanila hindi tulad sa adult. Read before you react mam. Salamat po."

Matapos sagutin ni Mocha Uson ang opinyon ni Anne Curtis ay umani na din ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga followers ni Uson sa Facebook. 


Ayon sa isang netizen, alam daw ba ni Anne na sa Australia, ang minimum na edad para sa criminal liability ay 10-taon-gulang at hindi hihigit sa 14-taon gulang. 

Sheenna Leih Pestano Pantaleon: "Dear Anne, 

The criminal liability in Australia is minimum of 10 and not more than 14 years old. You may want to learn more of how that worked for the country where you grew up and appreciate how and why it worked for the peace and progress there. That is if you really want to learn how the system works."


Ayon naman kay Analyn Dorosa: "Thats what happen when you travel with body guards, alalay, walang idea how the real deal is.. Try kaya nya mag lakad with just one person in tow."

Sabi naman ni Eli Razon Supan: "Please do not comment if you have not read the contents of the proposed bill."

Ito naman ang mahabang komento ni Cess Soriano Delgado: "Para po sa bumabatikos ng panukalang batas na nag-bababa sa 9 y/old ang criminal responsibility,
Mangyari po sana na basahin natin maigi ang panukala bago tayo mag-isip ng hindi naman naayon dito.


Una, ayon po dito, ang lahat ng bata na eksaktong 9 years old pababa ay ABSOLUTELY EXEMPT from criminal responsibility. Ang sakop sa batas na ito ay 9 years old and 1 day at higit pa. Pero ang sinumang higit sa 9 y/old but below 18 y/old ay maeexempt din sa criminal liability and be subjected to intervention program unless the child has acted with discernment. Ibig sabhin kung sakali lamang na lubusan nilang naiintindihan ang tama sa mali at nauunawaan nila na gumawa talaga sila ng krimen.

Pangalawa, limitado lamang po ito sa specific crimes tulad ng:
Murder
Homicide
Parricide
Infanticide
Violation of Dangerous Drugs Act
Rape
Carnapping
kidnapping


Pangatlo, kung sakaling mapatunayang sila ay may sala sa korte sa mga nabanggit na krimen, HINDI PO SILA IKUKULONG TALIWAS SA PAGKAKAINTINDI NG KARAMIHAN. 

SILA PO AY SASAILALIM SA PROGRAMA NG REFORMATIVE INSTITUTIONS. 

The purpose of these intstitution is to help the children to be integrated back to the community after they have committed criminal acts. Katulad po nito ang BAHAY PAG-ASA sa ilalim ng DSWD. 

Hindi po sila ituturing na criminal at hindi isasama sa mga selda. Sila ay ituturing na CHILDREN IN CONFLICT WITH LAW.

Pangatlo, sino man ang nasa hustong gulang na gumagamit ng mga bata para makagawa ng krimen ay magkakaroon ng maximum na parusa na RECLUSION PERPETUA. Sa ganitong paraan, hindi na gagamitin ang mga kabataan para gumawa ng krimen lalo na sa drugs na hawak ng mga sindikato.

Pang-apat. Kasabay ng Child in conflict with law ang magulang sa mandatory intervention program. Para sa gayun maintindihan ng magulang na hindi nila dapat hinahayaan ang mga anak na gumawa ng krimen o para mas maalalayan nila ang kanilang anak sa pagbabago nito. Ang pagtanggi ng magulang ay may katumbas na pagkakakulong.


Panglima, TALIWAS SA PAGKAKAINTINDI NG KARAMIHAN, hinding hindi po mahahatulan ng panghabang buhay na pagkakakulong o ang mga kabataan na ito kung sakaling mapatunayang GUITY.

Ayon sa panukala, THE COURT SHALL IMPOSE 2 DEGREES LOWER THAN THAT PRESCRIBED BY THE LAW FOR CRIMES COMMITTED BY CHILDREN WHO ARE IN CONFLICT WITH LAW. 

SA MAKATUWID, KUNG SAKALING MAPATUNAYANG MAY SALA, ANG PINAKAMATAAS NA HABA NG PARUSA AY 12 YEARS LAMANG PERO HINDI NIYA BUBUNUIN ITO SA BILANGGUAN KUNG HINDI SA BAHAY PAG-ASA. 

Kung sakaling umabot siya sa 18 years old at hindi pa din nagbabago, dadalhin sila SA MGA AGRICULTURAL PENAL FARM OR TRAINING CAMPS na pamamahalaan ng Bureau of Coorections o ng TESDA.

Kapag umabot siya sa 25 years old, SIYA AY PAPALAYAIN KAHIT HINDI PA TAPOS ANG SINTENSIYA.

HINDI PO SILA IKUKULONG SA BILANGGUAN AT ISASAMA SA PRESO!!!

HINDI DIN SILA MAHAHATULAN NG KAMATAYAN KUNG SAKALING MAIBALIK ITO DAHIL 2 DEGREES LOWER NGA ANG IBABABA NG HATOL SA KANILA.

SANA PO BASAHIN MUNA PO NATIN MAIGI ANG PANUKALANG BATAS AT HINDI BASTA KUMONTRA NG HINDI NAIINTINDIHAN.


Mas mainam po ang purpose ng batas."




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment