Breaking

Friday, January 25, 2019

Netizen, inisa-isa ang misteryong nababalot sa bansang Maldives: "Hindi lang pala ang mag-asawang Pinoy ang natagpuang walang buhay sa tubig habang nag-ssnorkeling."

Imahe mula sa Facebook

Hindi lang pala ang mag-asawang bagong kasal na Pinoy ang nawalan ng buhay habang nag-ssnorkeling sa Maldives, may mga bagong kasal na ibang lahi din pala ang namatay noon na iniulat sa iba't-ibang pahayagan. 

Ayon sa post ng isang netizen, masusi niyang sinubaybayan ang kasong ito, kaya naman sa kanyang pag-reresearch ay napagalamanan niyang tila meron hindi tama sa ilalim ng napakagandang matuturing na paraiso ng mga bakasyunista. 



Basahin ang kanyang buong post:

"ANG MISTERYONG NABABALOT SA BANSANG MALDIVES.

Ang Maldives ay ang pinakamaliit na bansa sa Asya at tinaguriang isa sa "World's Most Dispersed Country", kaya naman mahigit 1,192 coral na isla ang matatagpuan dito. Maituturing na paraiso ang bansang ito sa lahat, kaya naman sa mga kasabihang "YOLO Dream Destinations" o pinapangarap na mapuntahang lugar bago mamatay, kasama ito sa mga lugar na gustong mapuntahan ng nakakarami.

Mainit na balita ngayon ang pagkamatay ng bagong kasal na mag-asawang Pinoy na sina Erika at Leomer Lagradilla noong Enero 13, 2019, ang dalawa ay natagpuang wala ng buhay nang maiahon sila mula sa tubig habang nag "snorkeling" sa resort na tinutuluyan nila sa Dhiffushi Island sa Maldives, Pagkalunod ang naging sanhi raw ng agarang pagkamatay ng dalawa, ayon sa ospital na pinagdalhan sa kanila.



Maihahalintulad ang insidenteng ito sa mag-asawang Irish na sina Andrew Roddy at Gill Campion. Katulad ng mag-asawang Lagradilla, sila Andrew at Gill ay bagong kasal din at noong Oktubre 2017 sa Maldives ang napili nilang destinasyon para sa kanilang honeymoon. Sa pangyayaring ito, tanging si Andrew Roddy lamang ang hindi pinalad na mabuhay.

Ayon sa kwento ni Gill, asawa ni Andrew, sabay silang nag "snorkeling" sa tubig ng panahong iyon habang kalapit nila ang mga dolphin, nang bigla na lang nawala sa paningin niya si Andrew at tuluyang lumubog, Sa pagkabigla ng mga pangyayari nagkaroon ng lakas si Gill para maiahon sa pampang ang asawa pero hindi na naisalba ang buhay nito. Hindi niya lubos malaman ang nangyari sa asawa ng mga oras na iyon sapagkat magkalapit lang sila ng mangyari ang insidenteng pagkalunod.



Ayon naman sa Ina ni Andrew, lahat sila ay nabigla at nagtaka sa nangyari sa kanilang nag-iisang anak, sapagkat sobrang galing nitong lumangoy at "sports" ang naging libangan buong buhay, Kaya naging mahirap sa kanilang tanggapin na pagkalunod ang naging sanhi ng kamatayan nito.
_________________________________________
Balikan natin ang mga nagdaang pangyayari sa bansang Maldives na kahalintulad na nangyari sa mag-asawang Legradilla, na pagkalunod daw ang naging sanhi ng kamatayan.


Pebrero 2010
- Isang 69 taong gulang na turistang German ang namatay habang nag "snorkeling" sa Embudu Village Resort.

Ayon sa staff ng resort, kalmado at low tide ang karagatan nang mangyari ang insidente, kasama ng matanda ang kanyang mga kaibigan na nag "snorkeling", at napansin na lamang nila na lumulutang na ito at hindi na gumagalaw.

Marso 2010
- Isang lalaking Chinese ang namatay habang nag "snorkeling" sa Chaaya Lagoon Hakurahura Island Resort.

- Isang Chinese national din ang namatay habang nag "snorkeling" sa Holiday Inn Kandooma Resort sa Kaafu Atoll.

- Ang mag-asawang Chinese national na nagbakasyon sa Hilton Irufushi Beach and Spa Resort sa Noonu Atoll ay naiulat na nawala matapos pumunta sa dagat para maligo. Naiwan ng mag-asawa ang 13 taong gulang nilang anak na babae sa resort na tinutuluyan nila.

Setyembre 2010
- Isang 48 taong gulang na Chinese national naman ang namatay habang nag "snorkeling" sa Paradise Island Resort and Spa.


- Isang sikat na "UK transplant surgeon" din ang namatay habang nag "snorkeling" sa Adaaran Meedhupparu Resort sa Raa Atoll.

Oktubre 2010
- Isang 42 taong gulang na babaeng British national, Sharon Duval ang natagpuang wala ng buhay sa baybaying dagat sa Kuredhoo Island Resort.

Enero 2011
- Isang 36 taong gulang na turistang Chinese ang natagpuang patay sa dalampasigan ng Sun Island Resort and Spa.

Agosto 2011
- Isang 29 taong gulang na turistang Japanese at kanyang 37 taong gulang na asawa ay naiulat na nawala sa Adhaaran Hudhuranfushi resort na maaaring nalunod din.

- Sa kaparehong Resort, isang nabubulok na katawan ng babae naman ang natagpuan sa baybayin.


Taong 2012
- Isang 58 taong gulang na babaeng Chinese, Shuhui Li, ang dineklarang patay na habang hinihila ito papalayo ng tubig sa Lily Beach resort noong Enero 2012, samantalang kinahapunan naman, isang 30 taong gulang na lalaking Chinese, Ding Hai ang natagpuan patay din habang nag "snorkeling" sa isang kakabukas na Ayada Resort.

- Oktubre 2012, isang 26 taong gulang na lalaki galing China ang nag stay sa Alif Dhaal Atoll Vakafaru resort at hinalang namatay din sa insidente ng "snorkeling".

- Disyembre 2012, isang turistang Chinese ang napaulat na nawala sa Bandos Island Resort and Spa property.

- Earlier ng 2012, isang 49 taong gulang na turistang French, Alan Marshall, ang nagbakasyon sa Club Med Kanifinolhu resort kasama ang asawa at inaanak. Kinahapunan, siya ay naiulat na nawala matapos na lumangoy sa tubig. Kinabukasan, natagpuan ang katawan niya sa kalapit na baybayin ng Paradise Island Resort.

Mayo 2013
- Isang 34 taong gulang na babaeng Singaporean, Irene Soon ang namatay din habang nag "snorkeling" sa Embudu Village Resort, Mayo 4, 2013.

Kasama ni Irene sa five-day trip nito sa Maldives ang kanyang asawa na si Mike Lie. Sabay ang mag-asawang nag "snokeling", Sa huli dahil sa pinasok ng tubig ang mask ni Mike, nauna na siyang umahon sa pampang at piniling panoorin na lang ang asawa nitong si Irene habang enjoy sa pagkuha ng mga litrato sa ilalim ng dagat. Limang minuto ang lumipas nang mabaling ang atensyon ni Mike sa grupo ng mga nag-aaral mag "scuba dive", pagkabalik ng paningin nito sa asawa, ay hindi na niya ito nakita. Wala ng buhay si Irene ng maiahon ito sa tubig ng isang dive instructor. Nung tinanong si Mike ng Instructor kung ilang oras na nasa tubig ang asawa niya, sinagot niya na "maybe 10 minutes". Sa medical examination ng mga pulis, pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay.


Sa kumakalat ngayon na post ng isang netizen sa Facebook, nagbahagi ito ng experience niya nuong nagbakasyon sila sa isang resort sa Maldives, kung saan bago sila magsimula ng kanilang "Water Activity" ay may pinapapirma sa kanila na isang waiver. Isa sa mga nakasulat sa waiver ay ang walang pananagutan ang resort "in case of any ELECTROCUTION ACCIDENT due to the underwater cables" na nakakalat sa paligid ng resort.

Ano ang ELECTROCUTION?

Electrocution is death or serious injury caused by electric shock, electric current passing through the body. The word is derived from "electro" and "execution", but it
is also used for accidental death. The word is also used to describe non-fatal injuries due to electricity." - Wikipedia

Since ang bansang Maldives ay "Archipelago with hundreds of Island Resorts" masasabi nating ang ibang necessities ng bansang ito na nakacable tulad ng kuryente ay nakalubog sa tubig. Ito kaya ang dahilan ng agarang pagkamatay ng mga ibang naging turista sa bansang ito. Maaari kayang ang kuryenteng nakatago sa kailaliman ng tubig ang siyang kumikitil ng buhay at pinagtatakpan lamang ng mga may-ari ng resort ang lihim na ito?

Dalawang linggo matapos ang insidenteng nangyari sa mag-asawang Irish na sina Gill Campion at Andrew Roddy noong 2017. Si Lisa Mole, taga England, 51 taong gulang nuong panahong iyon, ay nawalan ng malay sa tubig habang nag "snorkeling" sa loob ng limang minuto sa mismong lugar kung saan nangyari ang insidente kay Andrew.


Nagpaunlak ng isang interview si Lisa sa isang online news magazine, limang buwan matapos ang insidenteng muntikan ng tumapos sa buhay niya.

Ayon kay Lisa, kasama niya ang asawa at anak na babae nang magbakasyon sa Maldives. Nangyari ang insidente habang nag "snorkeling" silang mag-asawa. Naunang bumalik sa pampang ang asawa niya para puntahan ang anak nila, at nung siya naman ang babalik sa pampang, nawalan na siya ng malay.

Sabi sa kanya ng asawa niya, bumaliktad siya habang nasa tubig hanggang sa nawalan ng malay, sa kabutihang palad sa tulong na rin ng dalawang doctor na bisita rin sa lugar, naisalba agad ang buhay niya at dalawang araw siyang naconfined sa ospital.

Sinabi niya na malusog siyang tao at walang naging problema sa kalusugan kaya hindi siya makapaniwalang nangyari sa kanya iyon.

Mariing pinahayag ni Lisa na alam niya sa sariling hindi siya nalunod.

Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga dalubhasa sa medisina sa naging kaso ni Lisa Mole. Isa sa mga ito ang nagsabing ang sanhi ng pagkawala ng malay ni Lisa ay "Electrocuted by undersea cables" at iminungkahi na ganito rin ang naging sanhi ng pagkamatay ni Andrew Roddy.


Ang pagkawala ng malay ni Lisa ay walang eksaktong kasagutan at hindi pa malinaw hanggang sa ngayon, may mga nagsabing "Electrocution" ang posibilidad na nangyari, pero sa ibang pananaw ng mga dalubhasa, kailangan pa ng mga kunkreto, sakto at malawakang pagsasaliksik para ito ay mapatunayan.
___________________________________________

UPDATED NEWS:

Enero 16, 2019
- Isang 66 taong gulang na babaeng Korean ang nalunod habang nag "snorkeling" at

Enero 19, 2019
- Isang 84 taong gulang na lalaking Czech Republic ang sinawing palad ding nalunod at namatay.

Ang dalawang pangyayaring ito ay nangyari sa Paradise Island Resort ng Maldives.

Enero 20, 2019
- Isang 40 taong gulang na babaeng Russian ang nalunod at namatay habang nasa "diving trip".

Sources: 
Minivannesachieve.com
Thesun.ie
Independent.ie
Maldivestimes.com

#CopyPaste
#CCTO
#LikeShareFollow:
Sabi MO Sabi NIYO Sabi NILA"

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook


No comments:

Post a Comment