Breaking

Tuesday, January 8, 2019

Netizen, nakapulot ng Php500 hindi na isinauli sa may-ari ngunit may kakaibang ginawa sa pera

Netizen, nakapulot ng Php500 ipinamahagi sa mga nangangailangan. Imahe mula sa Facebook

Ikaw ba ay madalas makapulot ng pera sa kalsada? Ano ang una mong gagawin kapag nangyari sayo ito?

Kakaiba ang ginawa ng isang netizen na si Marvin Tan Juan Pigalan, dahil imbes na gamitin niya ang pera na napulot ay ginawa niyang makabuluhan ang Php500.



Ayon sa post ni Marvin Tan Juan Pigalan sa kanyang Facebook, pinilit niyang hanapin ang may-ari ng Php500 na kanyang napulot. Dahil sa hindi niya makita ang may-ari mas minabuti niyang ipang-grocery ito ng tasty, sardinas at noodles. Mga pagkain na hindi para sa sarili, ngunit para sa mga matatanda sa kalsada na kanyang iniabot ang biniling grocery.


Kaya naman dahil sa ginawa ni Pigalan ay umani ito ng papuri sa mga netizens at naibahagi ng umabot na sa  17K shares sa Facebook. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment