Breaking

Thursday, January 24, 2019

Ospital sa Maynila, isinara dahil sa hinihinalang pasyente na may 'meningococcemia'

Imahe mula sa Facebook

Ang 'meningococcemia' ay isang sakit na nakakahawa at bibihira lamang ang kaso nito kaya naman agad na isinara ng Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila ang kanilang emergency room, matapos na may isugod doon na babae na may hinihinalang may sakit na ito.

Ayon kay Dr. Rolan Mendiola, senior house officer ng ospital, hindi pa sila sigurado kung ang pasyente nga na ito ay may 'meningococcemia', ngunit agad nilang ipinasara ang kanilang emergency room para linisin at i-disinfect. 



"Suspetsya pa lang naman po 'yun. Kaya lang siyempre para maiwasan natin, baka mamaya may mahawa, kaya isinara natin,"aniya niya. 

Ayon sa balita ng ABS-CBN, 3-5 araw na raw nilalagnat ang 55 taong gulang na babae na dinala sa ospital at nakitaan ito ng pantal na kulay lila.



Sa ngayon ay nasa isolation room pa din ang pasyente at ilang araw ang hihintayin para sa resulta ng kanyang naging laboratory tests para makasiguro na hindi meningococcemia ang dumapo sa pasyente. 

Hindi daw kailangan mangamba dahil wala naman direct contact ang pasyente sa mga pasyente ng ospital at mga kamag-anak nito. 



"Sa ngayon, wala po tayong dapat ikatakot. Wala namang mga direct contact sa mga pasyente t'saka relatives," ayon kay Mendiola.

Hangga't wala pang resulta, mananatiling nakasara ang emergency room na dadaan pa sa disinfection. Binigyan na rin ng antibiotics at prophylaxis ang mga pasyenteng na-expose, maging ang mga staff ng ospital.



Ano-ano ba ang sintomas ng sakit na  meningococcemia?

Ayon sa mga eksperto, makukuha ito sa secretion o droplets, tulad ng pagbahing, pag-ubo, laway, o dugo ng taong kinapitan nito.

Makakaramdam ang sino man may meningococcemia ng lagnat, pananakit ng ulo, pagsusuka at violet rashes. 

Payo naman ng mga doktor na laging maghugas ng kamay at takpan ang bibig kapag umuubo at bumabahing. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment