Breaking

Tuesday, January 15, 2019

Panelo: "Hindi dapat mabahala ang mga magre-renew ng passport dahil sa birth certificate.."

Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinasabing wag magpanic ang mga magrerenew ng passport. Imahe mula sa Rappler at Inquirer

Kinondena ng palasyo ang statement ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. na dahil sa "pissed" contractor ng passport ay tinangay nito ang lahat ng data ng passports kaya kinakailangan magbigay ng birth certificates ang mga magre-renew ng passports. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi kinakailangan na mag-panic ang mga aplikante ng passport ba nag-rerenew dahil sa kanilang birth certificates. 



"Applicants should not be burdened by submitting original copies of their certificates of live birth, obtaining which requires another application process before the Philippine Statistics Authority, to renew their passports just because the producer lost their relevant data,” ani ni Panelo.

“The submission of the old or current passport which the applicant seeks to renew should suffice for the purpose. The ongoing practice is not only cumbersome to everyone affected but is a form of red tape which this administration frowns upon and will not tolerate.” 



Hindi dapat ipagwalang bahala ng DFA

Ayon kay Panelo, ang problema ngayon sa pagkuha ng passport dahil sa pagkawala ng mga data ay isang malaking seryoso na bagay na hindi dapat baliwalain. 

Ayon sa opisyal ng Palasyo, ang National Privacy Commission (NPC) ay inutusan upang siyasatin ang insidente at alamin kung ang ilang mga probisyon ng Data Privacy Act of 2012, ay nilabag, lalo na may kinalaman sa personal na impormasyon ng mga subject ng data.

The investigation should not, however, end here since the current arrangement for the printing of passports should also be examined to determine if there are violations of pertinent laws which may be detrimental to the public,” ayon kay Panelo.

“We are one with the Filipino people in their quest for truth and so we will not treat this issue lightly.” 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source:Manila Bulletin

No comments:

Post a Comment