Breaking

Sunday, January 13, 2019

Pangulo Duterte, handang magpapako sa krus kapag mapatunayan ng kahit sinong pari na hindi totoo ang nasa libro na 'Altar of Secrets'

Pangulong Rodrigo Duterte, handang magpapako sa krus. Image mula sa Politiko
Pangulo Duterte, handang magpapako sa krus kapag mapatunayan ng kahit sinong pari na hindi totoo ang nasa libro na 'Altar of Secrets'

Muling nagpasaring ang Pangulo sa mga pari na Katoliko noong Huwebes sa kanyang naging talumpati sa pagbubukas ng isang highschool sa Bulacan, at sinasabing handang siya magpapako sa krus kagaya ni Hesukristo ngayong Semana Santa kapag meron pari na magsisiwalat ng katotohanan sa mga allegasyon na nasa libro na isinulat ng isang Filipino journalist na Aris Tulfo na "Altar of Secrets."



Kung matatandaan, ang liibro na "Altar of Secrets" ay ang libro na ipinamigay ni Pangulo Duterte sa Hongkong na naging kontrobersiya dahil kapalit ng libro sa isang Pinay ay ang isang halik. 

"Kung masagot nila ito at sabihin nila may isang bagay dito na mali, abangan ninyo ang Holy Week. Dito ako magpalansang sa krus sa Bulacan." ayon sa Pangulo.


May mga Filipino devotees na nagpapako sa krus tuwing Semana Santa bilang pamamanata nila sa mga hirap ni Hesukristo na nagpapako sa krus para mailigtas sa kasalanan ang sanlibutan. 

Ayon pa sa Pangulo, payag siyang magpapako pero 30-minuto lang daw.

"Kaya ko man 'yan (I can do that)... As a matter of principle, I will do that. But you correct this. Tell us the truth," sabi ng Pangulo. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PhilStar

No comments:

Post a Comment