Breaking

Sunday, January 13, 2019

Pangulo Duterte, inaprubahan ang dagdag na pension sa mga 'war veterans' mula P5,000 to P20,000

Aprubado na ni Pangulo Rodrigo Duterte ang dagdag pension sa mga 'war veterans' ng Pilipinas. Imahe mula sa BusinessWorld at AsianPolicy

Noong Disyembre 20, ay pinirmahan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11164 o ang act sa pagdaragdag ng buwanang pension ng mga senior veterans. 

Ang nasabing batas ay naglalayon na itaas ng P20,000 kada buwan ang mga pension na natatanggap ng mga Filipino war veterans noong World War II, Korean at Vietnam wars.



“The old-age pension of veterans of World War II, Korean and Vietnam are shall be increased to Twenty thousand pesos (P20,000 per month: Provided, That the veterans of Korean and Vietnam wars are not receiving pension from the Armed Forces of the Philippines (AFP): Provided, further, that the entitlement to the increase in old-age pension shall be limited to the eligible living senior veterans,” ayon sa batas. 

Ang batas ay hindi 'transferable' o maililipat sa sinumang miyembro ng pamilya o mga dependent ng mga senior veterans.



Ang unang pagpapatupad ng pagtaas ng pension ay galing sa budget ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO). Ang budgett para sa mga kasunod na taon ay isasama sa taunang General Appropriations Act.

Si Senator Gregorio Honasan II ang principal author ng nasabing batas na kung saan nakakakuha ng P5,000 kada buwan ang mga veterans, kaya ayon sa kaniya, ang pagtaas ng pension ay karapat-dapat lamang na maibigay sa mga beterano lumaban sa digmaan dahil sa kanilang naging sakripisyo at ito ay malaking pasasalamat sa kanilang mga nagawa. 

Ang bagong batas ay magkakabisa 15 araw pagkatapos ng publikasyon sa Official Gazette.




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Manila Bulletin

No comments:

Post a Comment